YOUNG ADULT NA NAGUGULUHAN SA BUHAY
Problem/Goal: Tatanggapin ko po ba itong Job Offer or maghahanap po ako ng ibang trabaho?
Context: Nasa baba po.
Previous Attempts: -
Tatanggapin ko po ba itong JOB OFFER or maghahanap ako ng ibang trabaho?
Hello! I'm 22(F) 4th year IT-student and currently nag o-ojt sa isang small company. Matatapos ang OJT ko sa 2nd week of July. And my graduation is on August (probably 3rd week).
I have a boyfriend po, working na sya. 1 year together na po kami. Sinusuportahan nya po ako sa lahat. Mabait din po family nya, sinasama nila ako lagi pag may ganap like staycations, birthday or kahit simpleng kain lang sa labas. Wala pa po akong balak mag asawa at napag uusapan naman po namin yun ng partner ko. 5 years po ang gap namin kaya matured pi sya compared sakin. Hindi rin po sya pabigat and he is literally less sa worries ko, sa totoo lang ang laking tulong nya po talaga sakin to carry all of these. Kung ako lang po ang papipiliin at sarili ko lang po ang iisiipin ko, magpapahinga po ako kahit 1 or 2 months, pero hindi po pwede kasi kailangan na po ng tulong ng pamilya ko. Si ate ko po not working pero may bf po sya na chinese na nagbibigay sakanya ng allowance kaya nakakatulong din po sya sa amin kahit papano pero wala po syang balak na suportahan yung family namin in long term..
Pangalawa po ako sa aming apat na magkakapatid. Currently living here in the city with my mom and 2 other siblings (panganay and sunod sakin). While my father (na stroke po sya 10 years ago na pero nakakakilos naman na pero hindi 100% workingb yung right part ng body nya) and my youngest sibling is nasa probinsya living with my Lola and her family.
Nag aalaga po si papa ng baboy pero saktuhan lang, ngayon nga po is kinakapos sya pambili ng pagkain ng baboy.. And currently is nagpapacheck up po sya kasi masakit po ang likod nya. Last year po is tyan nya naman ang sumakit dahil may gallstones po pala sya na nadaanan naman sa gamutan. Yung mama ko naman po is walang stable na work, yan lang po ang masasabi ko kasi namo-mroblema din po kaming magkakapatid sakanya. Yung ate ko naman po (panganay) is kasabay ko lang din po ga-graduate this August pero 2 years lang pi kinuha nya. Then yung sunod po sakin is mag 2nd year college na while si bunso is mag 1st year college na sa probinsya ngayoong pasukan.
Sorry po kung medyo magulo, hindi po ako magaling mag construct ng ganito hehe.
Pahingi naman po ng advice(s) nyo, sobrang naguguluhan po kasi ako ngayon.
Context: Earlier this week, I received a job offer in this company. 16k monthly (including all the government-required deductions). Based on the contract, tataas pa naman daw po pero case-to-case basis. May HMO din daw po on the day na ma-regular ako. May 13th month din. Sales Associate po yung position.
My expenses everyday would be:
FARE: 80 pesos + lumch (nagbabaon po ako, pag friday po nag ffastfood ako (as a reward pero di naman po every friday, pero 100+ lang)
Thankyou po sa mga magbibigay ng advice(s)!