Kapag Stop Tapal, Dapat Completely Stop Talaga.
It’s been a while since my last post. I’ve been busy with work and life lately, and honestly, parang bumabalik na ulit yung dating buhay ko.
Hindi pa fully paid lahat, pero compared to myself 3–4 months ago, mas magaan na yung pakiramdam ko ngayon.
For this post, I just want to share a lesson I learned recently.
One big realization ko sa pag-stop ng tapal system: kapag sinabi mong stop, dapat completely stop talaga. No more reloaning. Magbabayad ka na lang kung ano kaya mo, pero hindi ka na uutang ulit para ipambayad din.
Tbh, akala ko dati naka-stop na ako, pero may dalawa pa akong active OLAs — Mr. Cash and Cashify. Dalawa lang sila pero grabe yung drain sa finances dahil sa interest and reloan cycle. Napaisip ako, what more pa kaya sa mga mas marami pang active OLAs habang tuloy pa rin ang reloaning?
Sobrang takot din ako before kay Mr. Cash dahil sa possible text blasts and calls sa references. But eventually, na-overcome ko rin yung fear na yun after talking honestly with my reference, who is also a family member. I felt at that time, I needed to stop and let it overdue or else mauubos talaga yung pera namin sa pagbabayad sa napakalaking interest.
I know it’s still my responsibility to pay, but when you compute everything, parang bayad ka na rin talaga sa kanila sa sobrang laki ng fees, interest, and charges na pinapataw nila.
Nung nag-stop ako completely, and nag-focus sa legal obligations ko, doon ko naramdaman yung breathing space. Hindi na puro survival mode yung sweldo ko, and nae-enjoy ko na ulit kahit papano yung pinaghirapan kong pera.
Hindi pa tapos yung journey ko, pero malayo na compared before.
Laban lang tayo! 🫡