u/Embarrassed-Ad-9265

Big Three ng Rap sa Pinas, modern era HipHop Artists

Diba sa Amerika, ang big three nila ay sina Kendrick Lamar, J. Cole, at Drake

para sa'kin as of now, ang big three ng rap sa pinoy hiphop ay sina Flow G, Shanti Dope, at Hev Abi

Flow G - sumikat sa love songs before, then naging flex songs and other topics na rin, super versatile din kahit kanino i-collab, 'di siya malamon

Shanti Dope - lirikal siya before pero nagventure out siya ng style at topic, kasi ayaw niya maging preachy masyado, he's still someone na p'wede pasahan ng sulo ni Gloc9, it's just that he's enjoying his youth and nag-eexplore pa siya (plus yung record label niya ata may deal na dapat regular siya maglabas ng kanta) ngayon lirikal pa rin siya pero makabagong harana na nga raw

Hev Abi - nu'ng una medyo 'di ko siya trip, not until ma-gets ko yung vibe niya, malaro siya sa boses, sa tono at cadence, parang mumble pero hindi, laid back lang talaga, tsaka sobrang raw energy kasi, may mga personna pa siya

yung mga kanta kasi nila, either naghihit, instant banger/classic or 'di man gaano sumikat matik maganda naman tsaka yung frequency rin ng paglabas nila ng kanta, plus may double edge sila, kaya maglirikal, kaya rin ng pangwalwal, iba-ibang topic din, lifestyle, love song, pride/flex song, etc.

marami pa sanang ibang candidate pero hindi sila as consistent sa presence kasi, example Skusta Clee, Al James, Because atbp. altho quality vs quantity rin kasi minsan yung iba

etong big three insights ko for me lang naman and kung may iba kayong listahan, share niyo nalang din sino big three niyo and why.

reddit.com
u/Embarrassed-Ad-9265 — 1 day ago