u/Emergency-Farm2657

▲ 0 r/LawPH

Need advice po sa house and lot dispute.

Noong 2022 bumili kami ng house and lot worth ₱600k. Nakapagbigay na kami ng around ₱300k+ partial payments. May pinirmahan kaming kasulatan, tapos sa second agreement nakalagay na remaining balance will be paid once ma-complete ang tax declaration.

Noong unang usapan, sinabi nila sa mama ko na for subdivision na raw ito at nakapangalan sa father nila. Ako naman ang pumirma sa papers, at ang pagkakaintindi ko noon ay may titulo na talaga or maayos na ang papers.

Pero noong nagharap kami sa barangay during the mediation last week, inamin nila na for titling pa lang pala ito at inaapply pa lang sa DENR. Kaya doon kami lalong nagkaroon ng concern dahil iba ang pagkaintindi namin noong una.

Nagpagawa rin kami ng konting renovation dahil akala namin matutuloy na nang maayos.

During the barangay mediation. Napag-usapan na ibabalik daw nila ang ₱300k namin by a certain date, pero ayaw nila sagutin ang nagastos namin sa renovation. Gusto rin nilang kunin na ang susi habang hinihintay namin ang bayad nila.

Ngayon sinasabi nila breach of contract daw kami kasi pumirma raw kami na tax declaration lang ang basis before full payment.

Questions:

  1. Safe ba ibigay ang susi bago kami mabayaran?

  2. If hindi sila tumupad sa refund date, demand letter ba next step or small claims/case na agad?

  3. May chance pa ba mabawi kahit part lang ng renovation expenses?

  4. Gaano kalakas laban nila dahil sa pinirmahang kasulatan?

Any practical advice appreciated. Gusto lang namin mabawi pera namin nang maayos.

reddit.com
u/Emergency-Farm2657 — 24 days ago