u/Emergency-Mobile-897

Kung ayaw niyo mag-abot ng bayad ng jeep, pwede ba huwag kayong umupo malapit sa driver. Doon kayo sa dulo umupo malapit sa pinto.

Reasonable mainis kung dalawa or kunti lang kayo tapos yung nagpapaabot ay parehas kayong malayo sa driver. O yung nagpapaabot na sadyang tamad lang.

Pero isang passenger lang layo mo sa driver at ako nasa tabi mo. Nakisuyo naman ako nang maayos. Ang laki mong mama kasi, muntik na kaming maging lastikman parehas ng driver. Akala ko hindi mo lang napapansin kasi nakasalamin ka, pero nung iaabot na ang sukli hindi mo pa rin inaabot. Wala akong choice kundi tumayo papalapit sa driver.

Ano ba’t magbigay ng consideration sa kapwa? Culture naman na yung pakikisuyo ng bayad sa jeep unless sa rason ko na nabanggit kanina.

Yun lang. Poging-pogi pa yan siya sa sarili niya eh mukha namang amag. Sorry kanina pa kasing umaga ito nangyari pero naiisip ko pa rin. Kainis napahiya talaga ako kanina dun sa ibang pasahero HAHAHAHA

reddit.com
u/Emergency-Mobile-897 — 18 days ago