Parang walang nagluluto sa kapitbahay?
Hi guys,
So kakalipat ko lang sa studio type apartment, nasa 3rd floor then puro studio type din mga katabi .. wrong choice ako dito kasi bintana lang is hallway tapos yung rate pa ng kuryente ni landlord nakaka wtf hahahah
3 months na ako dito gusto ko na umalis kaso yung deposit at nakapag lagay na ng mga gamit kasi sobrang hassle maglipat.
Sobrang init sa unit, bumili ako ng pang temperature monitor umaabot sa 32°-36° yung room pero sa hallway presko naman kulang ventilation talaga. (Very wrong choice, na excite ata ate mo mag solo living)
Dami ko pa inisip gawin sana, mag meal prep, magpasounds ng malakas at kumanta, or kahit ano pa
yun lang na try ko magluto ng bacon lang ah, nangamoy bacon agad yung room kahit bukas door hahah nadikit sa damit :( Never ko din naririnig mga kapitbahay ko na nagluluto or walang amoy ulam na masarap (kaya napaisip ako na bakit parang ako lang kumakain?) hahaha
Wala din maingay, as in yung walls ng studio type gypsum board lang.. nahiya tuloy ako mag ingay, kita ko naman may mga tao sa unit bukas ilaw/pinto nila pero bat ganon hahahah triny ko magpasounds ng malakas tapos lumabas ako ng room saakin lang rinig na maingay.
nahiya tuloy ako gumalaw, at mag ingay.. hahha ewan ko ba mag titiis ba ako dito ng 1 year, parang lang makuha 2 months deposit hahahah sayang kasi
(Guys baka may sideline kayo, para mabawi ko lang deposit ko hahaha)