Isasali sa GC ng AKAP para sa Ayuda
This happened to my mother na muntik na ma-scam.
Nagchat yung friend ni mama sa Messenger at sinabing gusto siyang isali sa GC ng AKAP para makareceive ng ayuda. Nagtaka si Mama kasi from other municipality yung friend nya. Usually kasi ang mga sinasali sa ganyan ay yung ka-baranggay or same ng municipality, di ba?
Pero sabi nung friend nya ay siya ang bahala. Kasi ganoon naman talaga ang nangyayare sa sistema, as long as may kilala ka sa may access ng listahan eh talagang mapapasali ka sa bigayan.
Pinagfill-up si Mama ng details at after nya masend ay biglang nag video call via Messenger. Sinagot ni Mama kasi akala nya need makausap o kung ano man. Nagtaka na ang nanay ko nung lalaki yung kausap nya. Babae kasi yung friend nya kaya suspicious na talaga. Pero since gusto ngang makasali ay kinausap pa din ni Mama.
Hindi alam ni Mama na Share Screen pala yung pinapindot sa kanya, pinapunta sya sa email at may Facebook Code doon. Narinig na lang ni Mama na, "Okay na po nakuha ko na. Punta po kayo sa Gcash"
Saka lang narealize ni Mama na nakikita yung screen ng cellphone nya. Kaya kinausap ni Mama yung Scammer.
Non-verbatim Convo
Mama: Bakit mo hinihingi yung gcash ko agad?
Scammer: Para po sa Pay out yan
Mama: As in ngayon na agad ang pay out? hindi ba yan iinterviewhin muna? Nasaan yung kaibigan ko? Ipakausap mo sakin.
Scammer: Busy po sya, nagfifill up po ng mga forms
Mama: Hindi, ipakausap mo sakin. I-open mo yang camera mo para kahit makita ko man lang.
Scammer: Aysya kung wala po kayong tiwala ay hindi ko na po kayo isasali.
Mama: Ay talagang hindi ako magtitiwala! Scammer ka ano?!
Scammer: Hindi ko na po kayo isasali. * end call *
After ng tawag saka lang nagtatakbo sakin ang mama para itransfer lahat ng pera sa account ko at baguhin lahat ng password sa socmed nya.
Natataranta na si Mama nun pilit ko pang tinatanong saan nya ba nakilala yung kaibigan nya na yun or kung sino yung connection nya don kasi mahilig magpost ang nanay ko eh baka i-name drop nya agad without knowing kung anong nangyare - if talagang scammer or baka nga na-hack.
Ayun, pinatawagan ko kay mama yung common friend nila at saka lang naconfirm na nahack nga.
Sinasamantala talaga nila ang kahirapan para makapangloko at makapanlamang sa kapwa.