I need advice.
hello,
EDIT- 36 MALE
Nagiisip na ako tumigil mag tapal. kasi parang wala rin naman mangyayari at mababaon ako lalo.marami po ako utang. sa ngayon OD na ako sa billease and Juanhand ng 1 day. sa mga darating na araw mag due na rin ako sa napakaraming OLA.
Naisip ko lang na magfocus muna ako sa bills, rent at may binabayaran pako na equity sa bahay. 2 months nalang fully paid na ako.
natatakot lang ako sa pwedeng mangyari kapag di ko na pinansin mga due ko.
Naisip ko nalang na bahala na kung ipost nila ako sa FB or tawagan nila references ko.
or kung mag email or call sila sa employer ko. pero natatakot pa rin ako.
konting history...
Feb 2026 umabot sa 250k ang utang ko sa mga OLA. may bonus ako sa work na 150K binayad ko na sa OLA. pero not enough. sabi ko titigil nako mag tapal pero wala bumalik pa rin ako sa pag tapal.
nag open up nako sa partner ko dahil nappaansin niya tulala nalang ako palagi. sinabi ko lahat. akala niya nalulong ako sa sugal. saan ko raw ba ginamit yung mga inutang ko sa OLA. sinabi ko lang is sa mga unexpected gastos na nagpatong patong na.
inamin ko sa kanya na di ako magaling humawak ng pera dati pa pero di ako marunong mangutang noon. ngayon lang ako natuto mangutang. umiyak ako sa kanya doon ko lang nabuhos lahat ng nararamdaman ko kasi tahimik lang ako. di ko alam kung naintindihan niya ako or nagcomfort lang siya. pero the next day, sinabihan niya ako na last na daw ito. kapag nagpatuloy pa hihiwalayan niya na ako.
I need advice. first time ko magpost dito sa reddit. wala ako ibang makausap tungkol dito.