Issue regards PLV Grad
halos 10k nagastos namin para sa reservation ng airbnb, transpo, flowers tapos hindi na aabot si papa sa graduation 😭😭kasi yun lng paalam niya July pa umuwi si papa hanggang 20 nalang siya at babalik na sa ibang bansa, OFW papa ko hindi man lang siya makakapunta sa graduation ko 😭😭. sana man lang nagtanong muna sa mga students kung kaya maituloy o hindi, hindi yung magdedecide kayo biglaan. laking panghinayang. naiintindihan ko naman na masama ang panahon pero sana naforesee niyo na yan noon pa or a week before pa, ang laking sayang pera is pera, nakakasama talaga ng loob.
tapos magrarant sana ako sa fb kaso may nakita akong kumalat na screenshot na pinapahanap yung student bakit naman ganon hindi niyo ba maintindihan na frustrated na mga studyante niyo? kasi biglaan yang post niyo? ang daming naapektuhan tas kayo pa magagalit, matuto namn po kayong umintindi rin. hindi po laging sunod sunuran lang sainyo.
hindi na para manisi pa sa nawalang pera pero sana naman next time ayusin niyo at wala na sanang maredtag ng dahil nag voice out sila. maawa naman kayo ang hirap ng buhay papahirapan niyo pa mga studyante niyo.