Almost 4 years of gambling later… I’m choosing to stop.
Last month yung ₱500 ko lumago hanggang ₱17k, pero sa huli, nagkautang lang din ulit ako. Haha. Kahit gaano ka pa ka-disiplinado, sa sugal, madalas talo pa rin ang ending.
Ang ginawa ko, tinanggap ko na lang na wala na yung panalo at nagdagdagan yung utang ko. Wala na rin namang mababago kung magmumukmok pa ako. Imbes na habulin ko yung mga natalo ko, pinagbaban ko na lahat ng account ko sa iba’t ibang gambling sites. Kailangan ko nang tapusin ang cycle na ’to dahil puro stress lang ang naidulot ng sugal manalo ka man o matalo.
Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa ibang bagay. Halos apat na taon na rin 'tong gambling cycle na ’to. Nagsimula akong magsugal noong October 2022, at nakakaumay na rin talaga.
Ngayon, tinatawanan ko na lang yung problema ko dahil alam kong malalagpasan ko rin 'to.
End the cycle now. 🍃