Manghingi lang sana ng advice. Para po sa naka experience na from MR CASH IOS.
Kahit nagfully pay na yung kaibigan ko, bigla na lang daw may pumasok sa MAYA niya na 7k. Pag download niya ULIT (Kasi dinelete niya na nung nakpagbayad na siya) ng MR CASH IOS may loan pa raw siya na 12k. Na di naman niya inapplyan.
Ang ginawa niya binalik niya agad yung 7k. Ngayon nagmemessage na sa kanya na due date niya na. Ang inadvise ko sa kanya ay wag na niya ientertain at iblock na niya. Wag niya na rin bayaran since binalik niya naman na yun pumasok sa kanya. Iniisip niya kasi baka may mag chat sa refs niya or ipost siya sa socmed.
Anong chances na mangyari yon? Thanks sa sasagot!