Problem/Goal: paano pagsasabihan yung mga kasama ko sa bahay?
context: I live with my partner, adult na anak nya at jowa nya (24y.o both). Gusto ko sanang pagsabihan yung anak ng partner ko at anak nya na magkaron naman ng konting pagkukusa sa pag kilos sa bahay. Yung anak ng partner ko may work naman pero yung jowa ay currently unemployed kasi nagaasikaso ng papers & visa so maghapon syang andito lang sa bahay.
Pag umuuwi kami minsan from work hindi man lang magkusa na magluto man lang ng dinner or maghugas man lang ng pinagkainan. Kung magluluto man sila yung pang sa kanila lang. Ang kalat, ang dumi ng kalan, tambak yung hugasin. So bilang ayaw ko ng kalat, kami pa rin talaga ng partner ko yung kikilos. Hindi man lang din magkusang maglinis ng bahay.
Pag weekends ako lang din yung naglilinis ng bahay. Nahihiya naman ako sabihan sila na tumulong sa paglilinis ng bahay.
Previous Attempts: Ilang beses ko ng sinabi sa partner ko yung isyu ko. Pinagsabihan na din nya anak nya pero sa umpisa lang magaling. Kalauanan wala na. Kaya minsan sa partner ko na nailalabas yung inis ko.
Nakakapagod. Paano ba to? Hindi ko naman sinasabing magpakakasambahay sya pero dahil kami kami lang naman magkakasama sa bahay at wala pa naman syang trabaho, wala din naman syang ambag sa bills, konting delikadesa lang sana. Naiilang din kasi ako pagsabihan kasi hindi ko naman anak yun, baka isipin naman ng anak ng partner na kung sino ba ako at bakit nila kelangan makinig sa akin.
Let me know kung hindi ba makatarungan yung sinasabi ko or baka may ibang pov kayo na hindi ko nakikita. Baka kasi mali ako sa gusto kong mangyari.