u/Equal-Lingonberry630

We started this year kasi na “first come, first serve” ang basis ng pag-approve sa VL. Kahit na January pa lang, pero nag-file ka na ng VL para sa December ay okay lang. Pero biglang nagkaroon ng bagong announcement earlier this month na babaguhin nila for the month of May. Kung baga, may specific time lang kami para mag-file. Birthmonth ko ang May, and January pa lang nag-file na ako ng leave for Friday, Sat-Sun RD), Monday, Tuesday and Wednesday for this month. Pero dahil nga may bagong pakulo sa pag-accept ng leaves, I had to file again sa given time nila. Today, nilabas ang result, and ang Tuesday and Wednesday lang ang approved. Sabi ng WFM, wala raw silang inaprub na kahit isang filed leave sa araw ng Mondays and Fridays sa buong buwan, dahil sa forecasted high volume of calls. Ngayon, dahil nga may ganap na ako those days para sa birthday ko, hindi naman pwedeng babalik ako ng Manila para lang mag-work sa araw mismo ng birthday ko. I am planning na umabsent sa Friday and Monday ng filed leave ko, may chance ba na ma-IR ako? Last time (February) kasi declined din filed leave ko ng Friday kasi may nauna na sa akin. Sinubukang kong ipa-reconsider sa TL ko para sabihin sa Manager. Nang sinabi ko ang reason for that leave na death anniversary ng nanay ko, sinabihan ako na if mag-absent daw ako sa araw na yon, ma-IR daw ako. Sa tingin niyo ba, posible akong ma-IR if mag-SL ako sa Monday and Friday? Kaka-regular ko lang kasi.

P.S. Kung tatanungin niyo ako about documents such plane ticket or hotel booking to show as proof, wala po ako kasi plan ko ay spontaneous trip lang sa Zambales.

reddit.com
u/Equal-Lingonberry630 — 24 days ago