u/Equivalent-Drive-222

Mag vent lang po ako kasi nasasakal na po ako.

Ever since nung bata pa po ako, malakas po akong magtanong sa mga napapagaralan ko. Fast foward, 21 na po ako, nagnumb na po yung utak ko po kada pagsamba, minsan nagagalit, minsan nalulungkot sa mga leksyon na paulit-ulit, sa mga birthday videos, sa mga glazing ng pamamahala. Nagdevelop na po yung utak po na hindi ko naririnig yung leksyon. Mahal ko po yung magulang ko po pero pakiramdam ko maaabandona po ako pag umalis po ako sa Iglesia. Naiiyak nalang po ako minsan kasi malakas po yung koneksyon ko sa magulang ko po, mahal na mahal ko sila, pero masmalakas yung involvement nila po sa church.

Nasasakal na po ako, tapos mahirap po pagnasa maliit papo ako na distrito kasi mamonitor po masyado yung mga miembro. Tapos yung tatay ko po Overseer po, tapos mama ko po sa Finance. Respeto ko naman po yung choice po nila kung gusto po nilang magstay po sa church pero wala po akong choice? Napansin ko lang po sa mga natiwalag na mga anak ay maapektohan daw yung mga church duty po ng mga magulang.

Bakit po ganun? Parang yung mga anak po mayleash po kami sa leeg? Walang po ba kaming choice? Naiiyak po ako kasi mahal na mahal ko po yung mga magulang ko po, masaya po kami sa buhay, pero ayoko po akong maging dahilan na napaguusapan po sila ng mga miembro kapag umalis na po ako.

reddit.com
u/Equivalent-Drive-222 — 14 days ago