where to buy weatherstrip? please recommend kayo
saan kaya pwedeng bumili ng weatherstrip para sa sasakyan? umorder ako sa tiktok dati pero hindi siya maayos lumapat. nakaka-anxious gamitin kapag umuulan, at hindi ko na rin macarwash nang madalas dahil baka pasukin ng tubig.
15 years na rin yung sasakyan, at ngayong ako na nag-aalaga, narealize ko na marami na palang kailangang palitan dahil sa edad. any recommendations kung saan okay bumili o magpakabit?