u/Exact-Doubt-5305

▲ 3 r/taxPH

Mali pala yung amount na naifile last year!

Hello. I need your help! May accountant kasi ako before. Okay naman siya nung una, kaso habang tumatagal, ang hirap na niya kausapin/hagilapin. Minsan na nga lang kami mag usap, everytime lang na papalapit ang deadline ng mga due date, saka ko lang kinakausap para maifile yung sales ko for the quarter.

Anyway, registered ako as business sa bir before, pero august last year, nagpa change ako from sole prop to professional. Yung mga filing ko before ako magpachange, yung accountant ko ang nag ffile. Ang last na nafile niya is Q1 2025 then tumigil nako sakanya kasi sobrang hindi siya makausap. Hinihingi ko yung mga copy ng last filing niya nung 2025 pa, pero now lang niya binigay. One year bago niya nabigay.

Nung chineck ko, naka zero filing ako sa Q1 ng 2025.

Ako na nag file ng 1701Q2, 1701Q3 and 17Q1A. All this time akala ko tama yung file niya, hindi pala. Paano po kaya yung mga na file ko? Mali yung amount ng lahat kasi imbis na 120,000 ang gross ng Q1, naging zero. :(

Paano po kaya ayusin yun? Bayad na yung ITR ko. May excess tuloy na 120,000 ang total gross annual ko kasi hindi tama ang kanyang filing. Sakto pang kakatapos lang ng extension ng deadline. Ano po kayang pwedeng gawin? Please help po. Wala po ako masyadong alam sa ganto kaya kumuha ako ng accountant kaso sablay naman yung accountant ko. Huhu

reddit.com
u/Exact-Doubt-5305 — 8 days ago