u/Existing-Handle-1330

▲ 51 r/utangPH

Malayo na pero malayo na din

Hello, 25F here. Gusto ko lang ilapag dito kase wala rin ako mapag sabihan haha. Hindi alam ng boyfriend ko na at least 200k+ ang debt ko kundi hihiwalayan niya ako.

Pero tumigil na ako sa tapal system nung natauhan ako sa away namin.

Utang ko as of now:

CC - 174k
Gloan - 14k
Atome - 50k
Sloan - 44k
Maya - 9k
Billease - 30k

Sinunod ko na talaga advise dito na if di kaya, ipa-overdue nalang muna. I started to do yung Avalanche method tas I’ll pay what I can and apply dedmatology nalang sa lahat total legal OLAs naman sila.

And I can say na freeing pala na matapos yung mga loans. I had an addiction to it na left talaga unchecked. Siguro part na rin lang talaga dahil healing inner child moment. Pero it cost me a lot.

I earn at least 45k monthly at yung pera ko napuounta lang sa interest…and ayoko na talaga.

Mga natapos ko:
Ggives - 25k
Atome Cash - 20k
Spay - 24k
Sloan - 19k na nabayaran ko - 44 nalang left.

Salamat sa advice niyo sa promise to pay sa billease, pag communicate sa Sloan and all.

Update ako uli pag may natapos ako!

reddit.com
u/Existing-Handle-1330 — 11 days ago