To the Girl I Thought I'd End Up With
Hi, MS.
Hindi ko akalain na gagawin ko pa ito despite ng mga nasabi at sakit na pinaramdam mo sa akin. Ang sakit kasi alam ko sa pag-usad ko wala ng ikaw sa buhay ko. Alam kong desidido ka na sa desisyon mo pero minsan hinihiling ko na sana ako pinili mo.
Masakit isipin kasi akala ko ikaw na talaga makakatuluyan ko hanggang dulo. Marami na akong pangarap na nabuo at gustong gawin kasama ka kaya hindi ko maprocess na wala na talaga. Masakit pa lang maiwanan noh? Ikaw umusad na at nakahanap na ng iba. Samantalang ako hindi ko pa rin mafigure out kung paano kita makakalimutan, paano burahin yung mga masasayang ala-ala na nabuo nating dalawa pati na rin yung mga iyak at lungkot na tayo lang nakakaalam at magkadamay.
Galit ako sa ginawa mo at pinaramdam mo pero hindi ko alam sa sarili ko bakit ko pa ba ginagawa itong liham na 'to? pero ibibigay ko na 'to sa sarili ko kasi alam kong hindi agad mawawala nung sakit at galit yung pagmamahal na meron ako sayo.
Mahirap man pero kakayanin ko na na wala ka. Na hindi na matutupad pa yung pangarap nating dalawa. Ang dami kong nalaman at narealize ngayon na baka ako lang talaga ang nagmahal pero may part sa'kin na alam ko sa sarili kong naramdaman ko yung pagmamahal na 'yon, tinipid man hindi man buo pero salamat at pinaramdam mo.
Wala na ako sa tabi mo para punasan ang mga luha mo kapag malungkot ka, bilhan ka ng mga cravings mo, yakapin ka kapag napanghihinaan ka ng loob. Wala na na parang bula. Maraming salamat sa lahat ng alaala nating dalawa. Hindi ako nagsisi na minahal kita kasi naging masaya ako.
Sa ngayon hindi kita kayang makita pa o marinig lamang yung pangalan mo. Kahit iview stories mo or ilike post mo noong mutuals pa tayo, hindi ko magawa. Kasi masakit kasi may ibang landas ka ng tinatahak, na hindi ko na alam mga nagaganap sa buhay mo.
Darating din siguro na makakatingin ako sayo na wala na, wala ng pagmamahal at sakit.
Hanggang sa muli.
-K