ABYG kung nagalit ako dahil sa nakita ko?
Me (M32) at her (30) naging kami April ngayong taon. I work as an IT support and sya naman agent ng lending app para sa mga digital devices sa mall. Lagi naman kaming nagkakausap at nag kakachat. madalas din syang mag videocall kapag wala hindi sya busy sa work nya at kapag alam nyang hindi rin ako busy. pagkauwi nya ulit sa work video call ulit. kapag may lakad nagpapaalam naman sya and sya nag initiate na mag install kami ng Life360. Eto ang issue which is yung nakalagay sa Title. May one time na nakipag video call sya habang she's eating lunch at break nya dahil alam nyang nasa bahay ako at wlang pasok sa work. Then habang nasa videcall kami at kumakain sya may lumalapit na lalaki at nag tanong kung ano ang ulam nya. inamoy yung ulam nya which is malapit sa mukha ni jowa tapos lumapit sya sa mukha ni jowa ng sobrang lapit na parang hahalikan nya na. nag katitigan sila eyes to eyes at imbes na lumayo at umiwas, ngumiti lang si jowa, tumawa at nag sabi na "Tang ina mo (name ng guy)". hindi ko alam kung kinilig o natuwa sya pero ang dating sa akin e parang sanay na syang ganon ang ginagawa. Prior to that, may one time din na same scenario, kumakain sya at naka video call kami then lumapit yun at may ginawa sa kanya na hindi ko nakita dahil medyo half ng body ni jowa lang kita ko pero narinig ko yung sinabi ni jowa na "Tang ina mo kumakain ako". Sinabi ko sa kanya na hindi okay sakin yung nakita ko. sa chat ko lang sya kinausap pa lang e. sabi nya wala lang daw yun. ganon lang daw yun at maharot. talaga at may asawa na rin daw yung guy. sinabi ko sa kanya na galit ako sa ginawa nung guy at mas nakakadagdag sa bwiset ko ay yung reaksyon nya na ngumiti na parang kinilig at natuwa. sabi ko sa kanya na hindi ko maiwasang mag isip kung gusto nya ba yung ginawa sa kanya, sanay na ba syang ginagawa sa kanya yun, kung matagal na ba yung nangyayaring ganon or what. Andami ko nang nakitang relasyon lalo na sa mga kaibigan ko na sinira ng "Wala lang yun!" "Katrabaho ko lang yun". sabi nya na grabe naman daw ako kasi iniisip kong lumalandi lang sya don. ang sabi ko naman bumase lang ako sa kung ano ang nakita ko. hindi man lang sya dumipensa maliban sa sinasabi nyang magtiwala daw ako sa kanya na wala lang yun at nag tanong sya kung ano ang gusto kong gawin nya para matigil yung pag iisip ko. sabi ko hindi yun basta basta mawawala sa isip ko. hindi na kasi yun gawain ng magkatrabaho. may boyfriend sya at may asawa na yung guy. e pano din kung may makakita sa kanila sa ganoong posisyon sa ibang anggulo na mukha silang naghahalikan na. mabilis lang ang chismis sa work nila. i know na may mga malalantod talaga na mga lalaki kahit may jowa na at may asawa na pero ginugulo na talaga neto yung isip ko.
Pasensya na ang haba. kung babasahin mo man at magbibigay ka ng insights mo. maraming salamat. gusto ko lang mailabas dito as someone na hindi nyo kilala kasi kapag sa kaibigan ko may bias kagad na magagalit sa kanya e. Ako ba yung gago kasi nagalit ako at kung ano ano na yung pumasok sa isip ko?