Problem/Goal:
Paano ko matutulungan mag grow ang career ng GF ko?
Context:
25M ako 27F ang gf ko. 7 years na kami
nag wowork ako WFH at decent naman ang sweldo at paldo minsan. pero may time din walang client. yung gf ko sa mall nagtatrabaho.
araw araw ako nag uupskill at nag aaral para ma improve ang career ko.
gusto ko tulungan ang GF ko para ma improve din nya ang career nya since hirap din sya sa sitwasyon nya at sa work nya ngayon, hindi nya kaya ipagkasya ang sweldo nya.
gusto ko din sana mag upskill sya at tinuturuan ko sya kung ano gagawin nya at mga steps.
pero parang wala syang drive or motivation.
hindi ko alam gagawin ko, gusto ko sisihin sarili ko kase hindi ko sya matulungan na mag improve..
marami ako pangarap para sa kanya at pangarap ko din someday pag successful na ako hindi ko na sya pag tatrabahuhin.
pero sa ngayon kasi gusto ko din makita na nag iimprove din sya kahit sa skills man lang at sa career. kahit hindi na financial.
nag aadvice din ako sa kanya na aralin nya yung mga mahihirap na mga skills since gusto din daw nya na mag improve sabi nya.
am I asking too much? gusto ko din kasi na mag tulungan kami maging successful. yung tipong pwedeng mag tulungan yung skills namin. yung poblema magkaiba kami ng work. pero I'll make it clear hindi ako yung lalake na gusto ng 50/50. in fact mula umpisa ayaw ko talaga gumastos sya sakin, gusto ko ako palagi gagastos sa lahat.
yung mindset ko din kasi, dapat lalake ang mag tatrabaho. pero sa economy ngayon parang need talaga mag tulungan.
hindi naman ako tamad, ilang beses na ako nag put up ng business at gumastos ng hundreds of thousands para mag try.
hindi ko alam gagawin ko, hayaan ko nalang ba kung ano gusto nya gawin? at mag fofocus na lang ako sa pag grow ng career ko?