u/Express_Bread_2624

Para sa isang pastor sa Pilar, aware naman po siguro kayo sa edad niyo. Please lang, wag na kayong magchat sa mga batang dalaga. Pastor kayo, pinapalaganap niyo yung salita ng Diyos tapos ganyan ginagawa niyo? Magbago na po kayo.

reddit.com
u/Express_Bread_2624 — 8 days ago
▲ 14 r/BataanConfessions+1 crossposts

Libre lang magpakita ng kabutihan sa kapwa

Bakit ang daming power tripping dito sa Bataan? Matindi rin yung discrimination dahil kapag may suhol ka o pabigay, mabait sila sayo at iaassist ka pero kapag wala, masungit at parang walang ganang tulungan ka. Bakit kaya ganto? Trabaho niyong tumulong sa mga tao. Kayong mga nagtratrabaho sa ospital, ambulasya, school at government.

Libre lang naman maging mabuting tao. Bakit ang sama agad ng bungad niyo sa mga tao? Hindi lahat ganito pero nakakagalit na talaga at nakakawalang ganang mabuhay dahil sa inyo.

Yung mga registrar sa school, hindi kasalanan ng estudyante na marami kayong ginagawa dahil kinakailangan niyong magmano mano minsan dahil sira lagi yung system ng portal. Sisihin niyo yung namamahala sa school, wag niyong ilabas yung stress niyo sa mga estudyante.

Yung mga teacher, totoo naman nakakagalit ang mga estudyante lalo na kapag makulit pero sapat ba yun para murahin niyo sila at ipahiya sa maraming tao?

Yung mga estudyante rin, kung alam niyo naman sa sarili na poor performance ang pinapakita niyo, tanggapin niyo na lang nang walang galit yung grades na binigay sa inyo lalo na kung justified naman. Di kayo pumapasok sa klase tapos binigyan kayo ng 2.5 na grade, nagagalit pa kayo? Buti nga hindi kayo binagsak at drinop eh. Lalait laitin niyo pa yung teacher, ieedit yung pictures niya at kung anu-anong masasamang salita sasabihin niyo sa kanya sa gc niyo. Matuto kayong rumespeto.

Sa mga nagtratrabaho sa ambulansiya, hindi ba trabaho niyong tumulong sa mga tao at sumagip ng buhay? Bakit ang titindi niyong magpower trip porket alam niyong walang ibang way yung mga tao?

Yung mga nagtratrabago sa ospital, may sakit na yung mga pasyente at stressed na rin sa bayarin. Kahit na sabihin niyo pang walang bayad sa ospital, gagastos pa rin yan sa mga gamot. Bakit kapag alam niyong salat yung pasyente at walang titulo o connection, masusungit kayo at parang walang ganang mag-asikaso?

Yung mga nagtratrabaho sa gobyerno, hindi lahat ng tao pantay pantay. Yung iba hindi nakapag-aral at no read no write. Kung nagtatanong sa inyo kung paano yung gagawin, napakalaking abala pa talaga na magturo o magsabi sa proseso ng gagawin lalo na kung wala namang masyadong tao? Wag niyo naman ipamukhang bobo yung mga tao dahil lang sa di nila alam yung mga bagay bagay. Lahat may first time. Sa una lang di alam at nalilito.

Ganon ba talaga kahirap magpakita ng kabutihan sa kapwa ngayon? Nakikita niyo naman siguro yung mga balita. Puro kasamaan na at nakakatakot nang mabuhay sa mundo. Sana maging mabait naman tayo sa mga kapwa natin. Sa ganitong klaseng mundo na napakalupit, masisisi mo ba bakit ang daming may depression ngayon?

reddit.com
u/Express_Bread_2624 — 10 days ago

Please lang, yung mga nagbibike sa national road, kung meron namang space pa na kalsada sa gilid, tulad nung mga sinemento para sa road widening, please lang gumilid naman na kayo.

Ang tagal kong nasstuck sa daan dahil di ako makapag-overtake dahil meron ding mga sasakyan sa kabilang lane. Please lang gumilid kayo, lawak lawak ng daan. Isa pa, sa mga motor o tricycle kadalasan napapansin ko rin minsan hindi nagsisignal kaya man kapag nagsignal, nakasignal sa kanan pero sa kaliwa liliko. Ano yan simpleng kaliwa at kanan na lang ba mahirap pa? Tapos eto dito ako pinakanaiinis, yung nakasignal ka na liliko ka tapos paliko ka na rin tapos biglang may sisingit pa na motor sa gilid kahit napakaliit na ng space eh MAIIPIT KA NGANIIII. Umayos naman kayo sa daan please lang. Lalo na yung mga nakamotor. Wag kayo basta basta sisingit. Wag magshoshoulder lalo na kung paliko. Magbigayan din tayo sa daan, kapag sana nakita nating may liliko o papasok, pagbigyan na natin lalo na kung matagal na siyang nakastuck don. Wag niyo rin sana tadtarin agad ng busina yung nasa harap niyo kapag traffic dahil ano bang magagawa non eh traffic nga, maraming sasakyan, uwian sa school. Wag puro angas.

Gets ko nagmamadali kayo, pero mas mahalagang makarating sa pupuntahan natin ng buhay at hindi sira yung sasakyan natin.

reddit.com
u/Express_Bread_2624 — 11 days ago