
Mga kristiyanong parang kulto
So mayroon akong account na laging lumalabas sa FYP ko sa TikTok. Noon, tinatawanan ko lang ito, pero habang tumatagal, pumasok ako sa isang live para makinig sa debate ng mga taong ito na sinasabing Kristiyano. Nakita ko na kapag nagdedebate sila, agresibo sila sa kausap nilang hindi naniniwala sa Diyos/atheist ayaw nilang patapusin ang kabilang tao, paulit-ulit silang pumaputol sa gitna ng pangungusap, at ipinagpapatuloy nila ang kanilang sinasabi kahit may magandang punto na yung kalaban.
Tungkol naman sa live chat: may ilang nagko-comment na mali raw yung mga Kristiyanong nagdedebate, at kinukorek nila ang mga ito. Pero mayroon ding mga ibang Kristiyano na pumapanig kahit mali yung sinasabi ng kalahi nila. Parang nakakahiya ito para sa komunidad ng Kristiyanismo at kung saan ito nakatayo lalo na noong may nakadebate silang isang transgender at isang gay person. Sinasabihan nila ang mga ito ng mura, at kinokorek din nila na hindi raw ginagamit ang 'they/them' sa singular form.
Sa huli, parang napikon sila at inistop ang live. Inimute nila lahat ng nag-request na makidebate, at yung chat na lang ang natira.
Kailan kaya mababawasan ang mga taong ganito ang mindset? Napaka immature at childish ng ginagawa nila. 😒