MASAMA BA AKONG ANAK KUNG NAIINIS AKO SA LIFESTYLE NG NANAY KO NA FEELING MAYAMAN?
​
For context, hindi kami mayaman pero hindi rin naman sobrang hirap. Parehong may trabaho parents ko, pero hanggang ngayon wala pa rin kaming sarili at maayos na bahay, then halos walang ipon. Tatlo kaming magkakapatid — dalawang college at isang high school (nasa public school naman kaming lahat) — at currently nagrerent kami kasi hindi na matirhan yung luma naming bahay.
May kotse kami pero the truth is, Lola ko sa father side yung nag-initial downpayment at tumulong din sa remaining balance. Around 4 years ding naghuhulog parents ko, pero may times pa rin na nanghihingi sila sa Lola ko ng pandagdag sa monthly payment kapag kinakapos. Only child kasi si Papa kaya sanay din siguro na natutulungan siya. Yung pinapagawang bahay naman namin ngayon, natigil na rin, at honestly si Lola rin mostly gumagastos. Dun ako minsan nahihiya kasi ilang taon nang nagtatrabaho parents ko pero parang walang long-term stability na nangyayari sa pamilya namin.
Yung papa ko naman, siya halos lahat nagbabayad ng mga bills namin kasi mas malaki sahod niya. Yung mama ko maraming loans kaya lumiit yung natitira sa sweldo niya. Ang problema, pakiramdam ko hindi niya nilalaan para sa amin yung pera niya dahil madalas sa sarili niyang pagpapaganda napupunta. Usually si papa ang nagbibigay sa amin ng baon, pero minsan pinapasuyo niya muna kay mama. Kapag nanghihingi kami, nagbibigay naman siya ng baon pero not the same amount sa binibigay ni papa, mas mababa pa —madalas sinasabi niya wala raw siyang pera, pero halos lagi may parcel naman siyang dumadating. Every month din siyang nagpapagawa ng nails, and every two weeks din siya nagpapaturok ng gluta. Tapos, recently nalaman ko rin na nagpa-barbie arms siya.
Nag-out-of-the-country trip pa siya this year kahit utang lang din naman. Ang nakakatawa pa, wala naman daw talaga siyang balak bumili ng pasalubong for us — kahit pera ni Lola ang ginastos niya as her budget on that trip (pera na dapat pampagawa nalang sana ng bahay). Napilitan lang daw siyang bumili dahil pinilit siya ng mga kasama niya.
Ang sakin lang, kung gipit kami financially, bakit parang mas priority pa yung luho at image kaysa makapag-ipon? Naiinis ako kasi feeling ko mas importante pa minsan yung aesthetic na lifestyle ng nanay ko sa social media accounts niya kaysa sa actual needs ng pamilya namin.
Pinaka-nagpatrigger talaga sa akin is yung recent na labas namin as a family. Nagkayayaan kase kami na mag-café, and as usual si mama nanaman ang nag plano. Tapos ang gusto niya, pumunta kami sa isang medyo high-end na café na honestly hindi naman namin afford. Ang gusto niyang setup, kakain muna kami sa mas murang café para mabusog, tapos lilipat kami dun sa mahal na café para drinks/appetizer na lang ang oorderin — mainly para makapag-picture siya kasi maganda raw yung view at may maipost sa Facebook.
Kami nila Papa at mga kapatid ko, uncomfortable talaga sa idea. Parang ang off kasi sa pakiramdam na gumagastos para lang magmukhang sosyal kahit hindi naman talaga aligned sa actual naming situation. Personally, nahihiya ako sa ganung setup kasi parang sobrang pilit nung image na gustong niyang ipakita.
To give her the benefit of the doubt, lumaki talagang mahirap sila Mama. Compared kina Papa, mas may kaya talaga family nila Papa noon. Kaya minsan iniisip ko baka galing din yun sa kagustuhan niyang maranasan o maipakita yung mga bagay na hindi niya naranasan dati. Naiintindihan ko naman yun to some extent, pero feeling ko kasi dapat may limits pa rin, especially kung hindi naman stable financially yung pamilya.
Aside from that, nahuli na rin ni Papa dati si Mama na nagchecheat around 2023. Okay naman sila ngayon, pero kaming magkakapatid ramdam naming parang hindi pa rin talaga totally natigil. Kaya siguro mas mabigat din yung feelings ko toward her kasi hindi lang ito tungkol sa pera.
To be fair, maayos naman siyang nanay samin. Supportive siya at mahal naman namin siya, and thankful din ako dun. Ang biggest issue ko lang talaga is yung pagiging magastos niya at parang hindi maayos na paghawak sa pera.
Ang pinaka-fear ko talaga is baka eventually ako sumalo ng lahat. Madalas kasi sinasabi ng mama ko na gusto na niyang magresign kahit wala naman siyang ipon. Natatakot ako na pag nakagraduate ako, sakin mapunta yung pressure na: magpagawa ng bahay, tumulong sa pag-aaral ng mga kapatid ko, at basically maging retirement plan na ng parents ko.
Okay lang naman sakin tumulong someday, pero ayoko nung feeling na parang obligado akong ayusin lahat dahil hindi naging maayos yung financial decisions nila.
Valid ba tong nararamdaman ko? OA lang ba ako, o reasonable naman talagang ma-frustrate sa ganitong setup? Ano ba yung dapat kong gawin? Please give me an advice.