u/FallenAngelINC1913

Huwag raw magpadaya sa nababasa sa social media, pero ang naunang nandaya sa mga tao ay ang mga Manalo

Long post: Kasinghaba ng Manaloflix

Laging sinasabi ni EVM na huwag makikinig sa mga maling aral na nababasa, naririnig o nakikita sa social media. Huwag raw magpadaya sa mga naninira sa INC at nagpapakalat ng mga maling aral na labag sa aral ng iglesia, at nagiging dahilan upang bumitiw sa kahalalan.

Pero ano nga ba yung mga aral raw na iyon na labag sa utos ng Diyos? Wala naman siyang maibigay na halimbawa. Ano ba ang mga paninira na sinasabi niya? Wala naman siyang maipaliwanag.

Sa totoo lang kapag naririnig ko ang salitang "dinadaya ng diablo" sa bibig ni EVM, siya ang unang pumapasok sa isip ko na halimbawa ng alagad ng diablo na nandaraya sa mga tao. Hindi ba gawain rin ng mga Manalo ang mandaya ng mga tao upang umalis sa kanilang mga dating relihiyon at sumanib sa isang kulto na tinatawag na INC?

Ang unang pandaraya ay ang paniniwala kay Felix Manalo na siya ang katuparan ng sari-saring hula sa Bibliya subalit wala naman silang matibay na ebidensiya kundi self-claim lamang. Marami siyang hula na inangkin katulad ng ibong mandaragit na dapat ay kay King Cyrus. Ang titulong uod ni Jacob ay ninakaw rin ni Felix kay Kristo.

Isa pang pandaraya ay ang maling petsa ng umpisa ng World War 1. Research na lang kayo kesa makinig pa sa fairy tale ni Manalo.

Gayundin ang pagbabasa kunwari ng Bibliya na Lamsa Translation sa Gawa 20:28, pero wala naman talagang translation nito sa Tagalog na nakasulat ang "iglesia ni Cristo" kundi may nakaipit lang na papel na binabasa para ipakita na nasa Bibliya ito. Isa itong pandaraya. Kung makikita nga ninyo ang mga patong patong na Bibliya sa tabi ni EVM pag mangangasiwa, halatang hindi pa binabasa. Props lang niya para makapandaya.

Dinaraya rin ang mga miyembro sa pagsasabing nagmamalasakit ang tagapamahalang pangkalahatan. Pero ang mga miyembro hirap sa buhay samantalang ang ipinapanalangin nila na pakaingatang palagi ay nasa isang mansion naman. Kailan siya tunay na nagmalasakit sa mga miyembro? Empty words, out of reality. Pagmamalasakit ba iyong kahit matanda na ay kailangan pang patuparin at maglakad nang malayo sa lansangan sa gabi? Pagmamalasakit ba na kahit hirap ka sa buhay ay obligado ka pa ring sumulong, magbigay nang donasyon at magbigay ng kung ano anong handugan na wala naman sa Bibliya? Pero sa kabila ng dami ng naihandog mo, sa oras ng iyong pangangailangan, anong naipagmalasakit sa iyo ni Manalo? Mga miyembro ang nagmamalasakit sa isa't isa, hindi ang pamamahala. Napakalaking pandaraya lalo na sa larangan ng pananalapi. Wala nga silang maipakitang ulat ng kalagayan ng pananalapi ng iglesia.

Dinaya rin ni Manalo ang mga miyembro sa paghikayat na iboto ang isang pulitiko na isa rin palang tumatanggap ng suhol at utang na loob galing sa mga kahina-hinalang donors. Mga ministro nga raw na tumatanggap ng suhol sa mga pulitiko dinidisiplina, pero si Marcoleta, special pet ni Manalo, umamin na, ipinagtatanggol pa.

Eto pa, dinaraya ni Manalo ang mga tao sa pamamagitan ng paggamit ng pangalan ng samahan na "Iglesia ni Cristo", pero kapag naanib ka na, ang pinakasentro ng kanilang mga paniniwala ay ang pagsunod kay Manalo. Akala mo makikilala mo si Kristo? Life story ni Manalo ang maririnig mo mula PNK pa lang. Display lang ang pangalan ni Kristo at ginagamit nila para makahikayat ng mga madadaya.

Nabudol ang marami di ba?

Kaya takot si Manalo na maimpluwensiyahan ang kabataan ng social media na lumaban sa pamamahala dahil dito lamang talaga lumalabas ang tunay na saloobin at nararamdaman ng mga miyembro. Takot harapin ni Manalo ang katotohanan na marami nang miyembro, lalo na ang kabataan, ang namumulat, at lumalawak ang critical thinking. Takot siya na mabulgar ang kanilang 100+ years na pandaraya. Marahil takot na nga siya, na malapit na rin ang kaniyang wakas, at si AEVM ay nagta-takedown pa rin ng notes sa likod habang siya ay nangangasiwa.

reddit.com
u/FallenAngelINC1913 — 5 days ago

Bulaan talaga itong si Marcoleta, iniiba ang statement para makatakas sa plunder. Ganito ba ang ipinagtatanggol ng mga INC? Pweh!

Sa dami na nga ng paiba ibang statement ni Marcoleta, pati yata siya hindi na niya alam kung paano siya lulusot.

Para makatakas sa Comelec, sasabihin niya na hindi campaign contribution kundi personal funds ang 75M. Wala pa raw election kaya hindi ito paglabag sa Comelec. Pero pasok ito sa plunder.

Ngayon naman, para makatakas sa plunder sa Ombudsman, campaign funds naman daw ito. Ang problema, wala nga ito sa SOCE, so paano niya mapapatunayan iyon gayong hindi pa nga election period noong tumanggap siya ng donation na sinabi niya mismo kaya nakalusot siya sa Comelec. Public official pa siya noong natanggap niya ang pera.

Ang gusto lang niya ay mapababa ang kaniyang penalty. Pero dahil sa dami ng irregularities at inconsistencies sa kaniyang statement, marami-rami pa siyang kasinungalingang gagawin.

As usual, gaya ng kaniyang amo sa INC, nuknukan sila ng sinungaling.

u/FallenAngelINC1913 — 15 days ago

Mukhang hindi na nananalangin ng: "Ipagtatanggol ang iglesia sa mga nais puminsala sa mga pagsamba."

Parang nitong mga nakaraang buwan, panay ang eme sa panalangin ng mga ministro tungkol sa invisible enemy nila na kesyo may mga nais puminsala sa pagsamba at paglilingkod ng iglesia.

Ngayon parang tahimik na. Nawala na ba yung "threat" sa kanila?

Dalawa lang iyang posibleng dahilan ng panalangin nila na iyan.

Una, maaaring brainwashing lang nila sa mga miyembro para bigyan ng dahilan kung may gagawin silang mas malakihang rally. Eh ang kaso wala namang gustong sumama na sa mga walang kwentang rally.

Pangalawa, maaaring may hawak na "alas" ang gobyerno laban sa Central pero nagkaroon na ng negotiation at ang kapalit ay ang buhok este pagsuko ni Marcoleta o kaya ay ang pananahimik nila at pagtigil sa mga rally at pagpuna sa gobyerno.

reddit.com
u/FallenAngelINC1913 — 19 days ago

For your Safety don't try to interact with this user or his link. He will try to dox you.

Numerous subreddit channels were created wherein he is the only member. His posts were reactions to the posts here in the exINC sub.

Always use VPN as a precaution.

u/FallenAngelINC1913 — 1 month ago

Given the INC's history of manipulating biblical texts, it is hardly surprising that they would alter standard dictionary definitions to suit their narrative.

What separates a cult from a legitimate religion is extremism. Cults demand extreme devotion and can become dangerous, even turning to violence to protect their organization and leader. You can easily see this difference by looking at the Iglesia ni Cristo (INC) versus mainstream churches like Catholicism or Evangelicalism which the Minister called as cults during the WS:

  • Leader Worship: Most Catholics and Evangelicals don't hang pictures of the Pope or their Pastor in their homes, but almost every INC household prominently displays photos of the Manalo family.
  • Shifting Focus: During their "EVangelical Missions," the emphasis is heavily placed on obedience to the church administration and the Last Messenger rather than obedience to God or Christ. In their propaganda propagation, Jesus Christ is regarded merely as a human messenger and will vehemently deny His divinity. This places him on par with, or subordinate to, Felix Manalo, who is elevated to the status of an angel or the Last Messenger.
  • Mandatory Prayers: Catholics don't repeatedly pray for the Pope as a test of allegiance, but for INC members, praying for Manalo during worship is a strict loyalty check. Forgetting to do so can get you flagged.
  • Aggressive Retaliation: While Catholics peaceably venerate saints, the INC has a reputation for hostile and dangerous retaliation against anyone who criticizes them. This culture of fear is mirrored in their leadership; standard priests don't need bodyguards, yet Manalo requires heavily armed security just to officiate services.
u/FallenAngelINC1913 — 1 month ago

Pakitang tao lang ng INC na ayaw nila sa corrupt, pero wala naman sa criteria ni Manalo ang pagpili sa hindi corrupt.

Natatandaan ko pa nga noon na ang sinasabi nila na ang pagpili raw sa mga iboboto ay dahil sinusubok nila ang iyong pakikipagkaisa sa pagboto na kahit na ayaw mo sa kandidato ay susundin mo pa rin ang gusto ng pamamahala. Ngayon narealize ko, binababoy lang pala ito ng mga Manalo, walang kaseryosohan sa pagboto ng karapat dapat mamuno sa bansa. At walang requirement kung matino ba ang iboboto o hindi. Walang nakakaalam kung ano ang basehan ni Manalo sa mga pinipiling iboboto. Maaaring dahil sa mas malaking pabor ng politiko sa INC. Pero governance criteria zero. Bulag pa ring tagasunod ang mga bobotante.

HINDI DAPAT KINABUKASAN NG PILIPINAS ANG TESTING GROUND NG UNITY NINYO!

u/FallenAngelINC1913 — 1 month ago

Usok ilong ni Manalo kapag ganitong message ang makikita niya sa socmed wall mo.

Tutal mahilig silang magpost ng mga suporta raw ng ibang religion sa INC, Paano kaya kung isang miyembro ng INC na nakakaunawa ng tunay na political situation sa bansa ang magpost ng mga ganito lalo na ng pagtutol sa pamamahala. Siyempre kapag double standards, hindi sila papayag, huhuntingin nila kung sinumang miyembro ang magpost nito, parurusahan o ipapahiya.

u/FallenAngelINC1913 — 2 months ago

Mas malala pa ang Salaysay sa INC kaysa sa kumpisal ng Katoliko

Madalas pinupuna ng mga ministro sa kanilang pamamahayag ang doktrina ng Katoliko katulad raw ng kumpisal Dapat raw ay hindi sa pari nangungumpisal kundi sa Diyos.

Pero bakit sa INC kapag nagkasala kailangan pang magsalaysay at dumaan muna kay Edong eh hindi naman siya Diyos? Madalas nga daraan pa iyan sa mga kalihiman, PD, sa Distrito bago sa Central at hindi mo nga alam kung mababasa iyan ni Edong kahit nakaadress sa kaniya. Andami pang makaaalam ng ginawa mong kasalanan tapos mapagtsitsismisan ka pa.

Mas malala pa pala ito sa kumpisal na dalawa lang kayo ng pari ang nagkakausap at ang sistema nga nila, may division ang nangungumpisal para hindi makilala ng pari ang nagsasabi ng kasalanan. Sa salaysay ng INC nakasulat ang pangalan at may pirma ka pa sa paghingi mo ng kapatawaran.

Hindi ko sinasabi na tama ang Katoliko pero Ipinapakita ko lamang ang gawain ng INC na pagtuligsa sa iba habang sila naman ay may mas bulok na sistema ng kaipokritohan.

reddit.com
u/FallenAngelINC1913 — 2 months ago

Huli ka kalbo! Paktay ka na talaga Marcoleta, inilaglag ka na ng witness mo.

Walang sikretong hindi mabubunyag, lalo na kung umpisa pa lang, halatang scripted na.

u/FallenAngelINC1913 — 2 months ago

Ganito ba ang tinutukoy ni EVM sa Manaloflix na halimbawa ng mga taong inililigtas ang rebulto pero nagpapasalamat rito?

Nakakatawa lang na sinusuportahan ni Manalo at INC si Sara pero hindi naman naniniwala ang huli na totoong iglesia ang INC. Pagkatapos, pailalim pang tumira si EVM sa mga Katoliko lalo na nitong nakaraang Manaloflix na kesyo raw ang tao pa ang nagliligtas sa rebulto imbes na ito ang magligtas sa tao sa kalamidad. Subukan kaya niyang sabihin ito in Nationwide or Worldwide broadcast, gusto ko lang makita ang magiging reaksiyon ng mundo.

Parang mutual lang sila ng pakinabang kapag pinag-uusapan ang makamundong mga bagay at kasunduan. Ginagamit ni Duterte ang INC para sa machinery ng destab (sa pamamagitan ng paggamit ni Manalo ang kaniyang miyembro na pawns) at ginagamit rin ng INC ang mga Duterte para sa kapangyarihan at branding. Kailangan ng INC ng popular na ka-tandem ni Marcoleta para sa kanilang political ambition. At kapag nasa kapangyarihan na sila, kontrolado na nila ang bulok na sistema ng gobyerno. Btw, may ASO nga na sinasabi si EVM sa Manaloflix. Baka nga nadulas siya at ang nasa subconscious mind niya talaga ay si Marcoleta kaya niya nasabi ito.

Pero kapag relihiyon at pananampalataya na ang pinag-uusapan, parehas silang nandidiri sa isa't isa.

u/FallenAngelINC1913 — 2 months ago

Anong karapatan ni Eduardo na humatol sa labas, hindi naman siya Diyos?

Naniniwala raw ang INC na sa labas, ang Diyos ang humahatol. Pero bakit nila hinahatulan na hindi maliligtas ang nasa labas, Magkakontra ang aral nila na ito. Diyos ba si Eduardo para hatulan ang mga nasa labas? Wala pa ngang paghuhukom, may hatol na agad sila.

Maliit lang kasi ang pagkaunawa nila ukol sa paghatol ng Diyos katulad ng kakulangan nila ng pagkaintindi ukol sa kasi ni Marcoleta na hindi maintindihan kung bakit plunder ang kaso niya. Baka nga kapag hinatulan si Manalo at Marcoleta ng Diyos ng kaparusahan sa impiyerno, magrally pa sila na sila ay inuusig.

Ang akala nila sa paghuhukom, iisang side lang ang hatol, ang ikalawang kamatayan sa dagat dagatang apoy. Pero sa Bibliya may dalawang pangkat na hahatulan ang Diyos sa paghuhukom, ang mga tupa at mga kambing. Samakatuwid, hindi lahat ngga nasa labas na sinasabi nilang hahatulan ay sa pagkapahamak kundi may mga hahatulan rin na maliligtas. Isang pangkat na 'guilty' o hindi maliligtas at isang pangkat na 'not guilty' o maliligtas.

At ang doktrina na ito ng INC ni Eduardo ay isang kasinungalingan at maling pagkaunawa sa Bibliya.

u/FallenAngelINC1913 — 2 months ago

Hindi papayag ang INC na masapawan si Felix Manalo sa pagiging Anghel

Ang paniniwala ng INC, ang mga sugo raw ay tinatawag ding Anghel. Pero hindi raw Anghel si Felix Manalo sa kalagayan kundi sa kahalalan. Pero kung ganoon nga ang kanilang katuwiran, kailanman, narinig na ba ninyong tinawag nil ana Anghel si Kristo? Exclusive lang iyang title na iyan para kay Felix Manalo. Kailangan lang nilang gamitin ang "Anghel" na description para sa marketing na makapag-convert ng mga tao at gawing mas importante ang kaniyang kalagayan. Pero kung Sugo si Kristo, di ba dapat mas tawagin siyang Anghel kaysa kay Manalo? Pero ang madalas marinig sa mga teksto ay si Felix Manalo lamang ang bida.

At siyempre kapag in-acknowledge ng INC na Anghel si Kristo, ibig sabihin hindi lang siya tao at masasapawan na niya si Felix Manalo. At maaaring mapawalang bisa ang hula nila sa Revelation 7:2 dahil lalabas, hindi lamang si Felix Manalo ang pwedeng maging katuparan ng “Anghel sa Silangan”, kundi pati na rin si Kristo. Lalabas na itong Anghel na tinutukoy pala sa Revelation 7:2 ay ang sinasabi rin ni Kristo sa Matthew 24:27 (Sapagkat darating ang Anak ng Tao na parang kidlat na gumuguhit mula sa silangan hanggang sa kanluran.). Lalabas na pekeng anghel si Felix Manalo.

 

u/FallenAngelINC1913 — 2 months ago

Try lang, para magkaalaman na kung tunay nga ang diyos ng INCulto.

Ang tagapagligtas ni EVM ay bodyguards niya, hindi ang Diyos. Takot nga iyan sa mga sniper at covid. Si Propeta Daniel ay hindi ganun kababa at tanga katulad ni Marcoleta na tumanggap ng donasyon sa mga scammer donors kaya nakulong.

Pero for the sake na sila nga ay ililigtas, subukan lang nilang magpakulong sa kulungan ng mga mababangis na leon, tingan natin kung makaligtas sila.

u/FallenAngelINC1913 — 2 months ago

Dapat laging sumunod sa pamamahala, just be cool too.

Yung mga gusto raw magkaso, nagsasayang lang sila ng effort. Kailangan pa nilang i-define ang ibig sabihin ng kulto sa korte. Baka sabihin pa nga ng korte hindi iyon defamatory dahil may mga bansa talaga na nagcacategorize sa mga cuilt organizations gaya ng Austria, Canada, France, Germany etc.

u/FallenAngelINC1913 — 2 months ago

Historical talaga ang July 27 ng INC sa kapalpakan.

Palpak na date ng World War 1, Palpak na sugo, palpak na hula.

Most memorable anniversary ng INC. Lumabas ang kapalpakan ni Marcoleta na isa sa mga handler ng maleta boys. Palagay ko isa ito sa utang na loob ni Marcoleta kay Mike Defensor para sa kaniyang campaign donation. Partners in crime talaga.

Tapos siyempre, paniwalang paniwala naman ang INC, favorite witness nila itong 18 na ito, at wala silang pinaniniwalaang iba tungkol sa flood control. Bilib pa nga sila kay Marcoleta na "nag-iimbestiga" raw sa flood control, yun naman pala fake ang mga witness niya. Pero hindi naman gagalaw iyang si Marcoleta nang walang basbas ng pamamahala. Kaya malamang sa malamang kapag susundan mo talaga ang trail, it will all point out to INCentral. Talk about transparency and accountabilty.

Kaya todo iyak sila ngayon sa mga pagsamba dahil inuusig raw sila. Inuusig sila for the wrong reason. Inuusig sila hindi dahil sa pagiging Kristiyano, kundi dahil sa pagiging kakampi ng kasinungalingan.

u/FallenAngelINC1913 — 2 months ago

Ang madalas raw lapitan ng diablo ay mga lingkod sa INC. Kaya pala, it takes one to know one.

Sabi sa pagsamba, ang diablo raw ang madalas lapitan, ay ang mga lingkod sa INC. Paano kaya nila nalaman? Kilala nila ang diablo? At hindi pa naman ako nakakaramdam o nakakakita ng actual na paglapit ng diablo maliban na lang siguro ng manifestation nito na tagapamahalang pangkalahatan. Siguro nga maraming lingkod sa Templo Central kaya baka dinudumog na sila roon ng diablo. Kumbaga naging tambayan na nila ang penthouse ni Manalo.

Kaya ang solusyon para hindi lapitan ng diablo, HUWAG MAG-INC NI MANALO.

reddit.com
u/FallenAngelINC1913 — 2 months ago

Ito talaga ang isa sa malaking pahirap sa mga Pilipino, ang walang katapusang abuloy sa mga kulto lalo ng INC ni Manalo.

Ito ang isa sa mga dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno. Napakalaki ng nawawala sa mga Pilipino na sana magagamit nila sa kanilang ikabubuhay, na napupunta lamang sa lider ng kanilang kulto. Mas malala pa ito sa system loss sa kuryente. Madalas buong ikabubuhay nila, iaabuloy pa nila. Lalo na iyang "Sulong" scheme o scam na iyan, grabe ang brainwashing at pananakot nila para lang magbigay ang mga miyembro. Kesyo pinagnanakawan mo raw ang Diyos kapag hindi ka nagbibigay nang tama, at lagi nilang ginagamit ang Macedonia para ibigay ang higit pa sa iyong makakaya. Ang tunay na diwa ng pag-aabuluyan sa Bibliya ay dahil malaking parte niyan ay ginagamit rin nila ito sa kani-kanilang pangangailangan, lahat sila na mga mahihirap na Kristiyano ay nakikinabang at naghahati-hati para sa mga abuloy na iyan. (Acts 2:44-45, Acts 4:32-35) kaya okay lang kahit magbigay ka nang malaki. Ito ang hindi nila itinuturo at itinatago sa mga miyembro. Sa INC, sa Central lang napupunta ang lagak at abuloy mo, walang balik sa miyembro.

Ang pagbibigay ayon sa pasiya ng iyong puso ay hindi naman talaga nasusunod, pakunwari lang nila iyan. Ang sinusunod nila ay magbigay ayon sa halaga ng pasalamat mo last year, at higit pa. Iyon ang tinatawag nilang sulong scam at extortion. Ang masaklap pa, ang iba, ipinangungutang pa iyan para lang matakpan ang Urong ng lokal at masabi lamang na sumulong. Bawal raw magsugal pero para ka na ring nagsugal sa dami ng utang mo para lang may magamit sa paglilingkod sa lider ng kulto.

Ikakain na lang ng mga mahihirap na miyembro, iaabuloy pa nila, samantalang ang mga lider ng kulto, nagpapataba sa kanilang palasyo. Kung naospital rin naman sila, hindi sagot ni Manalo, sa gobyerno pa rin sila aasa. Ayaw mabawasan ang kayamanan ni Manalo. Kaya dapat talagang pulbusin na ang kulto na iyan.

u/FallenAngelINC1913 — 3 months ago