Betrayal at its finest.
Nawala yung mom ko last year (May 2025). Yung dad ko may history ng pangangaliwa since high school ako until recently. Nasira na yung tiwala ko sa kanya pero nagstart ako ng process ng forgiveness para na rin sa mental health ko. Wala eh, once trust is broken wala na talaga. So fast forward to today, aba’y wala pang one year mula nang mawala si mommy eh meron na kaagad bago?! Diba ang kapal ng mukha? At ang classic pa niyan, pinakilala pa sa akin kanina sa mall as if hindi ko nababasa yung phone niya tas dear pa tawagan nila. Sa inis ko iniwan ko siya sa mall. 73 years old na sila parehas kaya nakakadiri. Takot pa rin mag-isa, ano ka, needy? Di man lang nirespeto yung grieving process ko at may paiyak iyak pa sa kabaong ni mommy tapos ganun ganun lang tapos na mag-grieve? Ibig sabihin lang talaga never niya minahal si mommy ko. Ang bastos lang na gusto isaksak sa throat ko na may bago na, Hindi man lang nirespeto ang nararamdaman ko. Ayun, di na kami nag-uusap ngayon. Napahiya siguro siya kasi akala niya maayos ko tatanggapin yung nangyari pero sorry siya, may prinsipyo din ako. Medyo nakokonsensiya lang ako kasi siya na gumagawa ng lahat ng household chores pero ibang usapan naman siguro yung feelings ko. Ayun lang.