u/FeistySapphire

Gigil ako sa mga taong simbahan pero ugaling ilalim ng lupa

Required ba na kapag taong simbahan dapat ate chona???

For context, since ang mother ko ay wala na msyadong inaasikaso s bahay, ngdecide sya n magserve sa simbahan bilang reader during masses. Supported naman nmin syang mgkakapatid, to the point na sinamahan sya ng bunso nmin na magserve. Simula pa lang ng mga seminars, medyo na-ooff na ang kapatid ko especially sa reader/facilitator na tawagin ko na lang na Ate Chona. Sabi ni Ate Chona, kapag hndi daw naka-attend sa meetings ay may punishment. We were like, act of volunteerism na nga ung gngawa nila tpos may punishment pa. Anyways, pinalagpas na lng nila.

Just today, kakagaling lang ng mother at bunso nmin sa mass. Si bunso ay na-assign na mgbasa ng first or second reading. Bungad nya s'kin: Ate ayoko na, gusto mo mapalapit sa Diyos pero ung tao sa paligid mo dinidemonyo ka. Kinuwento nya ung nangyari after mass. Pagkatpos pla ng misa ay nagsama sama silang mga reader at commentator. Dmating si Ate Chona at niratrat daw sya sa harap ng ibang mga co-reader nya. "Nakakahiya kasi!" kesyo mabilis daw sya magbasa, di daw maintindihan at kung ano ano pa. Pinabasa nya ulit ang kapatid ko s harap nya, ginawa nman ni bunso. Biglang sabi "Bakit ngyon okay naman?", ssbihin sana ng kapatid ko na gnun din sya ngbasa nung misa pero lagi daw sya kinacut ni Ate Chona. Nangyari lahat yan sa harap ng mga co-reader nila. Napahiya ang kapatid ko.

Naalala ko rin nung time na hinatid ko ang anak ko s seminar ng kumpil. Tinanong ko ung volunteer sa simbahan kung anong oras ang tapos pra alam ko kung anong oras sya babalikan. Imbes na sgutin ako nang maayos, sinabihan nya ko sa harap ng ibang magulang na "Ayan tayo eh, di pa nga nagsisimula, nagtatanong na agad ng uwian". Nabastos ako. Sa asar ko, sinagot ko n lng. "Ngttanong ho ako dahil mrami p po akong ggawin. Wala po akong oras pra tumambay dito hanggang mtapos. Tinanong ko po kyo nang maayos kaya sana sumagot na lang din kayo nang maayos". Nagwalk out na lng ako.

Naisip ko, gnyn b tlaga ang taong simbahan? Kailangan bastos at maattitude? Akala ko p nmn, malalapit sila s Diyos. Pero bakit gnun? Mas nakakademonyo.

reddit.com
u/FeistySapphire — 6 hours ago