r/GigilAko

Gigil ako sa (new?) feature na to sa fb messenger
▲ 406 r/GigilAko

Gigil ako sa (new?) feature na to sa fb messenger

(DISCLAIMER: The picture above is just to show the feature in Messenger I am referring to in my story below, para sa mga di pa alam yung feature na yan. Hindi po yan mismo yung chat namin kanina.)

Why did they decide to have that feature? Muntik na ako mapahamak kanina dahil diyan. 😭

Nasend ko yung half naked pic ko sa buyer na kachat ko sa messenger dahil diyan. 🤣

I was taking pictures of my gym progress with my naked body, at sa kalagitnaan ng pagti-take ko ng pic, nagmessage si buyer so nagmadali kong i-open yung chat niya tapos sumulpot yang pahamak na floating frame na yan with my half naked pic, at aksidente kong napindot yung send button.

Buti na lang nadelete ko agad (not sure if nakita niya, di ko na tinanong). 😅

Sa mga di pa nakaka-alam, ang nangyayari kasi, pag nagtake ka ng pic tapos inopen mo agad ang isang chat window sa messenger, eh magpa-pop yung floating frame na yan with your newest taken pic. Not sure kung kelan pa nagsimula yung feature na to sa messenger pero for me nakakagigil siya, it's so annoying, at pwede ka pa mapahamak. 🤬 Di ko pa alam pano i-disable yung feature na yan but I'll research about it.

u/bongonzales2019 — 5 days ago

Gigil ako. First time kong maka-experience ng taong sobrang hayok sa atensyon sa gym.

First time ko maka-experience ng may nagvi-video at nagse-set up ng tripod sa bawat galaw at workout niya sa gym. Okay lang naman, walang masama doon, pero dude, bawat galaw mo na lang ba kailangan i-video? Tapos panay flex pa sa cam habang nagwo-workout, eh yung ibang tao tuloy, uncomfortable kasi nasasama sila sa video without them even knowing. Parang inangkin na niya yung buong space sa may racks, eh. Ang ending, parang lahat ng introvert na nandun, tahimik na lang at nakatitig sa kanya habang hinihintay siyang matapos mag-flex at mag-video bago makapagbuhat. Like, bro, gusto lang naman namin mag-workout nang maayos, bakit parang kailangan muna naming maghintay matapos ang content shoot mo bago kami makagamit ng equipment? HAHAHAHA.
Idk, pero ang papansin talaga ng dating. Very feeling influencer ang vibe. Sana lang hindi na namin siya makasabay next time, potek. Nakakairita kasi gusto lang naman namin mag-gym in peace.

u/McDewnalds — 5 days ago

Gigil ako sa kapitbahay namin! Ano to club?

Partida na hininaan pa nila to, hindi ko gets bakit kailangan na ganito kalakas at ganito kaaga tuwing ssbado at linggo? Sinarado ko na lahat ng bintana (glass sliding) namin pero ang lakas pa rin. Kumakalabog na yung mga bintana sa sobrang lakas, mga 30-50 meters (not sure haha basta medyo malayo din) layo ng bahay nila samin. Hindi naman makapag reklamo since kakalipat lang namin dito 2 months ago 🥲

u/annieeleonhart — 4 days ago

Gigil ako sa ganitong tao...

Nanghihingi ako ng suggestion mula sa isang sub for gadgets and tech etc. dahil hindi naman kasi ako kagaling sa pagkilala sa magandang specs or what when it comes to gadgets, tapos may ganitong magko-comment.

Cellphone ko nga nagkamali ako ng pagbili akala ko maganda yung phone.

Kaya naman din ako nanghihingi ng link para mas madaling ma-access yung gadget mula sa mga official online stores.

u/Eurofan2014 — 5 days ago

Gigil ako sa maingay sa sine

Nanood kami ng Other Mommy sa Robinsons Galleria kahapon, ang konti ng tao pero may dalawang babaeng nakapwesto sa likuran namin. Okay, gets, nasa public place pero sobrang ingay ni ate, hindi man lang nageffort bumulong nalang, ang daming tanong at side comments sa kasama niya. Nakailang lingon at suway na, sige pa rin. Maganda sana ‘yung movie kaso nasira ‘yung experience.

reddit.com
u/Educational_Device72 — 5 days ago

Gigil ako sa mga dds na ofw na vlogger, may mga sariling mundo. Malaki yata kinikita kapag nagpapakatanga ng ganito eh.

u/theanneproject — 4 days ago

Gigil ako

Sa mga ka-trabaho ko na akala mo ang perfect makapanglait at mag edit ng picture para lang may napagkatuwaan sa opisina, akala mo ang gaganda at gagwapo, isama pa na kampi din ang HR sakanila..

May karma din kayo.. Mga tangina nyong lahat 😤

reddit.com
u/sexybitches1993 — 13 days ago