
Gigil ako sa (new?) feature na to sa fb messenger
(DISCLAIMER: The picture above is just to show the feature in Messenger I am referring to in my story below, para sa mga di pa alam yung feature na yan. Hindi po yan mismo yung chat namin kanina.)
Why did they decide to have that feature? Muntik na ako mapahamak kanina dahil diyan. 😭
Nasend ko yung half naked pic ko sa buyer na kachat ko sa messenger dahil diyan. 🤣
I was taking pictures of my gym progress with my naked body, at sa kalagitnaan ng pagti-take ko ng pic, nagmessage si buyer so nagmadali kong i-open yung chat niya tapos sumulpot yang pahamak na floating frame na yan with my half naked pic, at aksidente kong napindot yung send button.
Buti na lang nadelete ko agad (not sure if nakita niya, di ko na tinanong). 😅
Sa mga di pa nakaka-alam, ang nangyayari kasi, pag nagtake ka ng pic tapos inopen mo agad ang isang chat window sa messenger, eh magpa-pop yung floating frame na yan with your newest taken pic. Not sure kung kelan pa nagsimula yung feature na to sa messenger pero for me nakakagigil siya, it's so annoying, at pwede ka pa mapahamak. 🤬 Di ko pa alam pano i-disable yung feature na yan but I'll research about it.