
Gigil ako. First time kong maka-experience ng taong sobrang hayok sa atensyon sa gym.
First time ko maka-experience ng may nagvi-video at nagse-set up ng tripod sa bawat galaw at workout niya sa gym. Okay lang naman, walang masama doon, pero dude, bawat galaw mo na lang ba kailangan i-video? Tapos panay flex pa sa cam habang nagwo-workout, eh yung ibang tao tuloy, uncomfortable kasi nasasama sila sa video without them even knowing. Parang inangkin na niya yung buong space sa may racks, eh. Ang ending, parang lahat ng introvert na nandun, tahimik na lang at nakatitig sa kanya habang hinihintay siyang matapos mag-flex at mag-video bago makapagbuhat. Like, bro, gusto lang naman namin mag-workout nang maayos, bakit parang kailangan muna naming maghintay matapos ang content shoot mo bago kami makagamit ng equipment? HAHAHAHA.
Idk, pero ang papansin talaga ng dating. Very feeling influencer ang vibe. Sana lang hindi na namin siya makasabay next time, potek. Nakakairita kasi gusto lang naman namin mag-gym in peace.