I want to give up
Hello, I'm currently a 3rd year college working student. I want to seek help sana to a professional pero hindi kaya ng budget. Sobrang daming gastusin sa uni + responsibilities pa sa bahay. Kaya magbabakasakali sana ako to seek help na lang here.
I am so close to giving up kasi pahirap na nang pahirap 'yung sitwasyon ko. Kailangan kong magtrabaho sa gabi at pumasok sa campus sa umaga. I know naman na I'm not alone in this war, marami pang katulad ko na ganito ang sitwasyon, pero this kind of comfort is not working for me anymore. Dati I can face the sunset pa with a smile on my face knowing nga na hindi lang ako, pero lately I can't even smile sa salamin or sa picture. I don't want to blame my parents since they've been trying their best din naman, sadyang hindi lang talaga kaya.
I have two subjects na parang nanganganib ang grades ko kasi I wasn't able to focus talaga due to work. Ayoko sanang magkaroon ng delay kasi I need a stable job para mas malaki ang sahod and less isipin sa bayarin, kaso nga parang magkakaroon talaga ng delay. I know din naman na I should cross the bridge when I get there, pero hindi matahimik utak ko kakaisip anong mangyayari sa akin ‘pag naibagsak ko nga ‘yon.
My work is at risk too kasi last week puro ako absent to take care of my siblings, ngayon nakikiusap na lang muna ako sa supervisor ko and waiting pa rin sa final decision niya.
Nawala na rin lahat ng friends ko since I can't be a responsible and stable one. Hindi ko na sila nasasamahan and hindi na nila ako nasasamahan. I know din naman ‘yung mga pagkukulang ko as a friend, I want to reach out to them sana kaso I know naman na may problema din sila and parang ang kapal naman ng mukha ko if hihingi ako mg pabor sa kanila (a comfort) if I ghosted them first.
Hindi ko na alam mangyayari sa akin ‘pag naibagsak ko ‘yung dalawang subject na ‘yon and if my supervisor won't give me another chance.