u/Few_Manufacturer3756

hello po! nahihirapan ako pumili para sa pipiliin kong program. (sorry for the yap pero sana matulungan)

dati kasi, passionate ako sa med talaga like hindi ko ma-imagine yung sarili ko na hindi ako magiging doctor or nurse. kaso nung tumanda na ako (ngayon), na realize ko yung hirap para maging doctor. hindi rin kasi ako ganon ka galing kapag anatomy, physiology, or kahit anong lesson na tungkol sa human body. nahihirapan akong aralin yon nung highschool huhu. iniisip ko magmedtech (first choice ko talaga nursing kaso natakot sa quota) kaso parang nakaka discourage dahil sa mga nababasa ko kung gaano ka overworked at underpaid ng mga nasa field na ito. gusto ko pa rin siguro subukan kasi kahit papaano may natitira pa rin akong pagmamahal sa med. kaso nga lang, mukhang hindi ko na kakayanin pang tumuloy sa med school (siguro mag-abroad nalang if ever). nakapasa na ako sa UST na alam kong maganda for medtech pero nakakatakot kasi sobrang hirap daw.

sa chem eng naman, recently ko lang nalaman yung program na ito (mga 1 or 2 years ago lang). nabanggit ng tita at kaklase ko kung gaano ka-successful yung mga kakilala nilang nasa chem eng. dahil don, medyo naging interested ako kasi gusto ko rin talaga ng stable na trabaho at malaking kikitain. para sa akin, mas okay na maging practical kaysa i-pursue yung passion ko talaga (lalo na sa hirap ng buhay at sa bansang ito kasi gusto ko na rin tumulong sa parents ko). nung highschool, paborito ko ang physics, chem, at math (lalo na kapag naiintindihan ko). pero alam ko na ibang level naman sa college lalo na sa chem eng. natatakot naman ako dito kasi sabi nila hindi naman ganong ka in demand yung chem eng dito sa pilipinas at mahirap maghanap ng trabaho. gusto ko naman yung sinasabi nilang malawak daw yung pwede mo maging trabaho. kaso nga lang, mababa lang daw yung kinikita nila tsaka mahirap mag-abroad kaya hindi ko alam ano gagawin ko.

AYON, sobrang hindi ako makapag-decide kasi parehas naman may cons and pros huhu hindi ko lang ma weigh kung ano mas better para sa akin at kung saan ba ako dadalhin ng mga kursong ito sa hinaharap. nakakatakot kasi walang kasiguraduhan pero hinihiling ko lang na magtagumpay din sana. :)

SORRY AGAIN FOR THE YAP BUT THANK YOU IF BINASA MO SIYA LAHAT AND HOPEFULLY U CAN HELP ME PLS !! T--T THANKKKK UUUUUU <33

reddit.com
u/Few_Manufacturer3756 — 19 days ago