u/Fickle-Star5903

Problem/Goal: Nanghihinayang na agad ako sa laki ng igagastos sa graduation.

Context: I haven't really thought about the graduation prep pero ngayong napag-usapan na namin ng friend ko lahat ng 'kailangang' gawin, esp nung banggitin niyang pictorial palang e 10k na--- nakakawindang. how can i waste that much money? the reality here is hindi kami financially stable enough para i-'lang' lang 'yung 10k. at 'eto pa, I'm not really sure if makakakuha agad ako ng trabaho post-grad, may mga sabi-sabi pero hindi ko rin ma-figure out if they were just empty promises or not lol.

Previous Attempts: Not really an attempt but- isa na lang na payout from a scholarship 'yung inaantay ko, and kulang na kulang 'yon. I'm trying to gain weight rin lately kasi ang lala ng nabawas sa'kin as I was trying to save money a month ago. I'm thinking na ilaan ko na lang siya sa pagj-job hunting. Ayaw ko rin kasing tumagal masiyado sa bahay namin kaya I need a job ASAP.

I don't know. Am I being unreasonable here or masiyadong practical? If I do attend the ceremony I feel like I'd stick out like a sore thumb with my cheap clothes, shoes and makeup. Unbothered naman ako dati but this time I don't think I can handle the comments and glances. I've seen enough. I'm not one to feel FOMO anyway, may mga decisions na rin ako noon na salungat sa majority so it's probably fine right? Magagalit magulang ko pero matigas rin ulo ko so bahala sila hahaha.

reddit.com
u/Fickle-Star5903 — 19 days ago