Need advice sa relatives na mapanlait
Ang weird minsan ng expectations ng ibang tao 😅 parang pag nasa Korea ka dapat automatic flawless skin, no pimples, no pores, and payat agad. Hormonal acne is still hormonal acne kahit nasaang country ka pa 💀 and may improvement naman skin ko compared before, di lang siguro enough sa standards ng ibang tao 😭
Tapos sasabihin pa na wag na raw dapat ako bumili ng pasalubong nila kasi wala akong work, at dapat madaliin ko na raw mag hanap ng trabaho rito para may “sarili akong pera” at wag lang umasa sa husband ko at nagjojoke pa sila na para may maipadala ako sakanila lol. I get na baka may concern or opinion sila, pero for me, medyo below the belt siya pakinggan. Hindi naman ganun kadali yung situation lalo na as a military spouse. May process pa na hindi mo pwedeng madaliin, so waiting period talaga muna while everything gets sorted legally.
My husband and I are okay with our setup right now, and I’m also looking forward to working once everything is cleared. Pero habang hindi pa pwede, I don’t think it’s fair to be judged for something na wala naman akong control over.
Pati sa cooking at pagkahilig ko sa plants ngayon may say ung isang tita ko na ipaparinig pa sa ibang tao na “sana noon ka pa natuto nagluto! Sana noon ka pa nag garden kung ganyan lang din pala gagawin mo diyan” wth nagluluto naman ako before sa pinas pero most of the time si mama talaga
Anyway… ano po kaya savage response sa mga relatives na mahilig mangialam? Hahaha uuwi po kasi kami ng pinas this week 😭