newbie nurse how do you adjust
hello for the new nurses na walang training program bago i-deploy like mga shadowing lang ginawa. Ilang weeks or months po bago kayo tuluyan payagan mag-act on your own ng charge/senior niyo as bedside nurse? whats the feeling on your 1st week as a new nurse?
honestly im really anxious 4 days na po ako sa work and i tend to make many mistakes and slow sa ginagagawa ko (e.g. nasugat sa pagbukas ng ampule on my first day, ang tagal mag-regulate) Feel ko jinujudge na din po ako ng mga seniors ko. Also, parang doubtful pa po sila ipagawa sakin mga procedures (is it normal?) kaya mostly V/S lang po ako, taga hatid ng specimen, and prepare ng meds but not administration. This is also the reason why nagiging hesitant po ako mag volunteer to do procedures kaya feel ko rin iniisip nila na kailangan pa ko sabihan para kumilos. Pag busy po sila i try to help but mostly deadma po ako nila and ayoko na rin po maging pabigat kaya i stayed behind them para if ever may iutos na lang sila.
Ang hirap and nakaka-anxious lang po kasi i graduated laude and was recognized by my ci's before na magaling during rle but ngayon parang back to zero ako sa skills and each mistake at tinitignan nila inooverthink ko. Also dumagdag po kasi na may kakilala ako na senior nurse na sa hospi (private) na pinagwoworkan ko na nirecruit ako kaya feel ko iniisip lang nila na nakapasok ako ng mabilis kahit 8080 ako dahil sa backer and hindi dahil sa credentials which is ayoko naman din po sabihin sa kanila or ipagyabang given my current state at work.
first 3 days im really questioning if i deserved to be a nurse or if safe nurse ba ko. for new nurse like me paano po kayo nag-adjust and is this normal feeling?