u/Fit-Kaleidoscope4806

Your partner could be the "most" perfect but surely, can CHEAT on you.

Nung single pa ako, I did flirt with many people here in reddit. And worse, I got into a SITUATIONSHIP with a married man.

1 year rin tinagal ng relationship namin. And I was young (19) and awkward back then and that guy is (33). Wala kong alam about sa relationship ano mga tama at mali. Wala rin akong sister nag guide saakin.. at parents ko naman overly strict na dapat studies lang kaya tinago ko sa kahit kanino. Friends naman, wala naman kwenta mag advice maybe kasi mga bata pa? Sabi okay lang daw yun kasi spoiled naman daw ako.

We stopped for a reason na, he's not consistent with me, pawala wala ganun, tho talagang spoiled ako.. binibili nya lahat ng kailangan ko, konting sabi ko lang talagang papadalhan nya ko food and flowers.. pero I can sense something talaga. Tinigil ko when I asked bakit di pa kami pwede mas mag upgrade ng relationship at maging friends sa any social media niya, dinahilan nya di naman daw sya active sa mga yun dahil matanda na sya.. so napagod nalang ako at tinigil ko na communication namin dito sa reddit.

Before din na I deleted my original reddit account nakita ko nag delete narin sya ng reddit.

After 1 year, I remembered that person again because of isang information na sinabi nya saakin na may family local business sila ng parents nya, yun lang ang clue na nakwento nya, and doon ko nalaman kung sino sya because of tagged facebook posts. Nag hope pa kasi ako that time na baka naman mas okay na kami ganun kaya gusto ko mag reconnect. Tanga lang.

Then nung nakita ko na account niya.. I was shookt. He's already married na pala sa napakagandang babae. She looks kind, kasi napaka delicate ng features niya and may dalawa silang anak. They've been together for 12 yrs then 9yrs married based sa anniversary greetings nung lalake.

Kinilabutan ako when I realized.. kaya pala niya sinasabing di pwede kasi he's active sa social media at MUKHANG happily married.

Until now, wala kong proof na kahit ano ng conversation namin, ng interaction namin para masabi ko doon sa wife. Hindi kasi talaga kapani paniwala kung wala akong proof.

Dahil sa social media, sobrang bait ng image niya as a husband, lagi nya pinopost family nya at kids nya, active sya sa school activities ng kids nya, kahit na he's the main provider. Housewife asawa nya tapos laging may flowers, laging may bagong iphone laging may out of country. Sobrang grateful rin ng babae sakanya based sa mga posts kasi provider daw talaga. And the woman seems like she's naalagaan ng maayos kasi maganda parin naman kahit tumaba na. Pero nung bata bata photos pa sila maganda talaga yung babae. Yung lalake, masasabi ko sobrang average looking lang talaga, magaling lang makisama at magsalita.

Now I felt sad na iniisip ko to, di lahat ng makikita talaga sa social media ay totoo. Hindi ko alam if the guy is still doing it? Di ko alam kung ano ba redflags ng mga lalakeng katulad nila inside sa relationship?

Dahil nakakatakot. Na one day mare-realize mong may possible palang dark secrets ang mga partner niyo na kahit it seems like perfect ang relationship niyo.

reddit.com
u/Fit-Kaleidoscope4806 — 8 days ago