u/FizzyLunar_Aurora

undergrad wanting experience

hello po!

i'm an incoming 4th year psych student and i'm looking to start being a VA to gain experience. mas magaan na din kasi units namin, kaya naisip kong itry mag-VA para hindi ako walang-wala after grad. gusto ko part-time work lang muna.

i don't have experience pa sa technical side ng mga bagay-bagay, but madali naman akong matuto. marunong ako sa Google Workspace, Microsoft Office, Canva, and gumagamit din naman ako ng AI tools.

i'd say i'm good enough at research. may experience ako sa data gathering, both qualitative and quantitative, as well as data analysis for both. well-versed din ako sa statistical tools like Jamovi and SPSS.

i enjoy writing, i have leadership experience, i like being organized, and sanay ako sa fast-paced na work. i'm leaning towards Industrial/Organizational Psych and HR functions.

problem: hindi ko alam kung ano ang niche ko.

interested ako sa admin tasks since feeling ko bagay siya sa pagiging organized ko, pero gusto ko rin i-explore ang content creation, especially writing. nac-curious din ako sa pagiging chatter kasi feeling ko okay naman communication skills ko.

gusto ko rin sana mag-try ng HR-related VA roles since iyon talaga yung field na gusto kong pasukin eventually. kaso wala pa akong certifications and wala rin akong relevant work experience, so hindi ko alam kung realistic ba siyang pasukin as a beginner or if mas okay na mag-build muna ako ng experience sa ibang niche.

as someone na wala pang VA experience, saan kaya magandang magsimula? worth it bang mag-focus muna sa isang niche, or okay lang mag-try ng iba't ibang roles habang nagsisimula? If kayo ang nasa position ko, ano ang pipiliin niyo and bakit?

gusto ko na kasi talagang magka-experience and, of course, pera rin hehe. any advice from those who have been in the industry would really mean a lot. 🥹

reddit.com
u/FizzyLunar_Aurora — 4 days ago