Trusted ba tong brand na to? Nabobother lang ako kasi recently may nakita akong tiktok affiliate video.
Ang content, yung kitten ni girl sobrang namamaga yung mata, i believe it’s conjunctivitis. Tapos sabi nya sa comment pinapatakan nya daw before 3-5 times a day yung kitten tapos ngayon once a day nalang daw since “magaling na”.
Sa sobrang curious ko sa result, hinanap ko sa feed nya. Tapos nakita ko yung isang upload nya, result video after 4 weeks of using it, nawala naman yung maga nung mata ng pusa nya… PERO CLOUDY na parang may katarata na ang itsura.
Medyo naweirdohan lang ako. Kasi yung rescued kitten ko na diagnose din dati ng severe conjunctivitis, pero ang prescribed ng vet is tobramycin. Gumaling naman agad at hindi naging cloudy yung eye.
Im not sure dito sa product, pero normal lang ba na effect yun?? Hindi ba masama yun? May nakagamit na ba dito nun? I’m worried lang lalo na’t may Neomycin Sulfate. Ang dami kasing nagtatanong sakanya at may planong sundin yung ginawa nya. Lalo na sa mga kittens na 4-5 weeks old palang. :((