Hi guys share ko lang yung nangyari sakin nung last 2 month ago. Pauwi ako nun galing court, naglaro kami malapit sa bahay ng isang classmate ko, nagpaload ako sa bakery tapos napansin ko yung bantay todo ngiti saken hahaha so binola ko sya nagbigay ako ng ibang pangalan "John john" sabi ko name ko. Binigay nya number nya nag text text kami hanggang sa nagmeet up nag inom sa resto tapos nagcheck in sa victoria court at dun na may nangyari.
Kagabi tumawag si girl buntis daw sya at ako ang ama. Nagulat ako sabi ko bababa ko muna yung tawag at mag iisip isip lang ako, kasama ko tropa ko nung tumawag si girl kaya naikwento ko sakanya agad dala nalang din ng pagka gulat. Sabi ni tropa "alam ba nyan totoong pangalan mo?" hindi sagot ko. "Alam ba nyan san ka naka tira o san tayo nag aaral? Alam ba nyan fb mo o social media?" Sumagot ako kay tropa "hindi". Sabi nya "ano problema mo iblock mo na number nyan "
Dun ko lang napagisip isip may point nga c tropa , tutal ibang pangalan naman binigay ko sa babae na yun, di din non alam fb ko kasi sa text lang kami nagusap. Taga Marikina din to si girl ako taga Taguig kaya mejo malayo hahhaha. Nagiisip isip ako simula kanina pa kung dapat ko bang iblock tong si girl na nagdadalang tao sa aking anak o tanggapin nalang na tatay na talaga ko. Kung tutuusin wala naman na syang habol saken at tingin ko kaya nya na magisa yung bata dahil may trabaho naman sya at ako ay studyante pa lng. Ano sa tingin nyo mga sah?