u/Flimsy-Particular-68

Corned Beef na may gulay at konting sabaw.

Corned Beef na may gulay at konting sabaw.

Eto yung other option kapag hindi ginisang cornedbeef ang niluluto ng Mama ko. Minsan hinahanap hanap ko din basta dapat Purefoods ang tatak. Sino sa inyo ang nag uulam din nito?

u/Flimsy-Particular-68 — 2 days ago

The OG of all Pares

Eto talaga since bata pa ako kumakain na kami. tapos after almost 20 years ata saka lang ako nakakain ulit nung nag work na ako malapit dito. medyo pricey lang sya kumpara sa Original Pares Retiro. eto ang mas nauna don. May family friend kami Tito nila ang owner nito at nung bata pa nga ako nadadala na nila ako dito. Sobrang lambot ng beef at yung fried rice nila panalo din. Jonas sa Mayon QC, hanapin nyo na lang sa google history nila tinatamad na ko mag type HAHAHA

u/Flimsy-Particular-68 — 5 days ago

Turon with Cold Evap Milk na dip

Nagluto biyenan ko na babae ng mini Turon tapos di ko kinain hanggat di ako nakakahanap sa tindahan ng Evap. nilagyan ko lang 1 teaspoon ng asukal yung gatas tapos ni ref ko ng mga 15 minutes kasi mas masarap sya pag malamig. tapos sinabaw ko ng paunti unti sa Turon tapos hinigop higop. para akong na transport sa kinakainan namin na eatery nung nagtatarabaho pa ko sa savemore Nagtahan circa 2013, bahay yun na may secret na kainan. sakto lang yung mga food parang mga pagkain sa ospital kasi di ganon kaaalat haha pritong boloni hotdog tapos mga ulam na di tipikal sa matataong karinderya kasi mag asawang matanda ang may ari. kumakain lang ako dun dahil yung turon talaga nila don ang binabalikbalikan ko. wala na ko balita kung buhay pa ba sila ngaun share ko lang yung story

u/Flimsy-Particular-68 — 5 days ago