
For context: Wala akong kahit anong account sa unionbank bukod sa S&R Visa CC ko sa kanila na kakaapply ko lang last April 26 then approved agad same day.
Kinagabihan ng April 26, nag download ako agad ng unionbank app and nilock ko kaagad yung virtual card cc so kaya nagtataka ako bat may nag email lang ngayong araw regarding sa U-Shield and noong April 27 daw ako nag enroll.
Tried looking for a statement or transaction history regarding this U-Shield pero wala ako makita sa app.
Automatic enrollment po ba talaga tong U-Shield or possible na mali lang (kaso ending ng virtual cc ko yung nakalagay sa email)?
Pwede ba mag opt out dito? Medyo nagulat ako kasi wala naman ganto sa first cc ko.
Sana po may maka help, TIA!
Edit: thank you po sa lahat ng nagcomment, will contact UB to cancel