Rant
Huling huli na ako sa lahat. Mag 7 taon na akong nagttrabaho, wala man lang ako naipundar. 3 taon pa akong may babayaran na utang.
Mga magulang ko tumatanda. Retiring na Papa ko pero ramdam kong ayaw nya dahil alam nyang di ko sila masusuportahan. Mama ko may sakit, bare minimum na gamot lang naipprovide. Kapatid ko hirap kasi napasa ko sa kanya yung respnsibilidad.
Asawa, madaming plano na hindi ko magampanan - bahay, kotse, anak. Alam kong bagal na bagal na sya sa progreso ko.
Mga kaibigan masayang nagbabakasyon, pinapasyal mga magulang, inaalagaan sarili.
lahat ng yan nawala sa akin dahil sa pagsusugal. habang may panahon pa kayo ihinto nyo na, dahil di lang yung pagsusugal ang mahirap kalimutan. pati yung mga nawala at mawawala sayo.
di ako makahinga.