Di na approve sa subsidized housing loan dahil ✨Middle Class✨
Pa rant lang saglit dahil na hopya ako na magkaka bahay na kami na kami talaga may ari.
I am a dad in his 20s just trying to get by. I love my family and will do everything for them. Nandito na rin yung pag take ng every opportunity para mas maging maayos ang buhay. Currently renting, and want to have our own home.
Nag apply ako para sa subsidized housing (4PH) through Pag-Ibig. For context, I am earning above 50k monthly.
Kapag na approve ka dito, halos 2800 a month lang ang hulog mo, and this is locked for the next 10 years. SOBRANG ANGAS ng program na to tbh kasi legit na makakatulong sya (sana samin huhu). Sana nga lang dun sa deserve talaga.
As a young family, nakaka excite at inspire maisip na magkakaron kami ng sariling property. Yung tipong maiimagine mo kung ano magagawa mo sa mga rooms- Interior designing adventure na mala Carl at Ellie Fredricksen ng Up ang atake ganon. Sa panahon kasi ngayon, parang impossible na yan eh. In your 20s, unless you're privileged, wala ka naman talaga chance maka bili ng lupa at bahay. Sad reality.
Unfortunately, dahil above 47k na ang sahod ko, hindi na raw ako eligible for subsidized housing. - Okay, fair naman. Gets ko na para sa poorest of the poor talaga itong program na to. Sino ba naman ako na napakataas ng tax at contributions para mag expect na may government program na magliligtas sakin (as a tatanga tanga na umasa talaga)
They told me I can still apply pero regular housing loan na, tapos ang monthly amort ko 10-15k a month na, and walang guarantee na maaapprove dahil prioritized ang marginalized. SAKIT DIBA. Di ko ba deserve to? jkjk huhu
PERO ang nag trigger talaga sa rant na to ay nung pumasok ako sa group ng mga "homeowners" sa pabahay na to. GRABE ang lala - everyone was renting their units out. Hindi nila tinitirhan. (Bawal ito according sa terms ng pag-Ibig "you cannot sublease or profit") Marami pa sa kanila MULTIPLE UNITS ang hawak! LEGIT ang yayabang pa. Ginamit ang credentials ng family members tapos ginawang rental business. Sobrang talamak and normalized na lang. Now tell me, mas deserve ba nila yung ganung suporta kaysa sakin na genuinely seeking for a better life? Rant over.