u/Frequent_Story_8023

▲ 36 r/peyups

INCs, DRPs, and Singko

Hello! Delayed isko here na malapit nang grumadweyt huhuhuhu sa wakas!!!! Masaya ako na makakalaya na ako sa UP, pero grabeng takot din sa job application pagkatapos. For context, andami kong personal problems lalo na nung pandemic, kaya talagang napabayaan ko pag-aaral ko, nadelay ako nang sobra, at maraming naglapse na INC, dropped subjects, at ilang singko. Chineck ko records ko ngayon, at umabot pala sa 21 ang lapsed INCs ko... Naretake ko naman na lahat yun at naipasa na, pero nag-aalala pa rin ako at alam kong ampanget nitong tingnan sa TOR ko at hindi ito magugustuhan ng mga aapplyan ko. May tatanggap pa kaya sa akin? Meron ba sa inyong may same o worse situation than mine na natanggap naman eventually at umunlad din ang buhay?

Please be kind po, hindi naman po ako naging pabaya intentionally, sadyang life fucked me up so bad... Pinagsisihan at nagdusa na po ako sa lahat ng failures ko... Gusto ko lang talaga sana ng second chance at life... At nung okay na po ang mental health ko at nakapagfocus na ako ulit sa pag-aaral ko, umokay na rin po grades ko at nag university scholar pa ako. Sana mabigyan ako ng chance ng mga employer:(

reddit.com
u/Frequent_Story_8023 — 7 days ago