Great place to work nga ba talaga?
Sobrang nahihirapan ako mag desisyon kung aalis nako kaso mamimiss ko mga ka work ko sa team. Nagpa-upskill kasi ako from calls to chat last 7 months ago dahil pagod na ako mag-calls after almost 5 years na pag wowork sa BPO industry. Ang ginagawa kasi ng cluster namin ngayon, kapag queuing sa phones, hinihila kaming mga nasa chat para mag-calls tapos ibabalik ulit sa chats kapag okay na. Ngayon buong June phone time na raw ulit ako dahil mataas ang call volume this month.
₱24k lang pa-sahod pero dalawang role ang ginagawa. Kaya nga ako nag-chat para mabawasan ang stress sa calls. Kung mapapagod din lang ako nang ganito, mas gugustuhin ko na lang mapagod sa mas mataas na sahod. Ang dahilan na lang kaya ako nag-stay ay dahil sa besties ko sa work. 😔