Mahal ang mag mahal
Problem: Pano ko sabihin na nahihirapan na ako..
Context: Matagal nang walang work yung gf ko. Although may sidelines naman siya pero madalang. Nahihirapan din siya maghanap ng work. Ako naman may stable job na saks lang sweldo kasi may kailangan din akong bayarin at para sa pamilya ko rin. Pero naiipit ko pa naman para sa kanya. Tinutulungan ko siya sa mga kailangan niya kasi understandable wala siyang work. Kaso these days nahihirapan na rin ako. Gusto ko rin mag ipon para sa sarili ko. Mahal ko parin naman siya and alam ko namang she's trying her best para makahanap ng trabaho. Pero more than a year na rin kasi na ganito yung setup. Im afraid this will strain our relationship. But breaking up with her dahil lang sa ganyang rason is the last thing on my head.