OA lang ba ako na napagod na or masama talaga akong anak?
Gusto ko lang ilabas ‘to kasi sobrang bigat na.
Adult na ako, nakatira pa rin sa bahay. Kaninang gabi, natutulog ako tapos ginising ako ng tatay ko na lasing. Tinatanong niya kung bakit daw ako natutulog, tapos bigla siyang napunta sa usapan na lilipat daw kami ng ibang city. Sabi ko pwede naman siya lumipat pero ako hindi ako sasama. Tapos bigla niyang binanggit yung mga utang ng nanay ko (pumanaw na siya), at tinatanong niya kung ano daw gagawin ko. Sabi ko maghanap siya ng trabaho doon pero nagalit siya at sinabing huwag daw ako magsalita ng ganun. Paulit-ulit ko siyang tinatanong kung ano ba gusto niyang gawin ko o ano bang expected niya.
Tapos bigla siyang umiyak, sinasabing sobrang lonely daw siya. After a few minutes, sumisigaw na siya na “Gusto niyo ba mamatay ako?” at sinasabi na iiwan niya kami kung pwede lang. Tahimik lang ako kasi lasing siya at alam kong wala rin akong mapapala kung makikipag-argumento. After ilang oras, huminahon siya, umiyak ulit, nag-sorry.
Hindi ito first time. Kapag sober siya, okay naman kami. Pero kapag lasing, nagiging emotional siya, naggu-guilt trip, nagsasabi ng about death o pag-alis niya, tapos magso-sorry lang pagkatapos. Then uulit na naman.
Sobrang nakakapagod kasi kapag logical ako sumagot, nagagalit siya. Kapag tahimik ako, ako pa rin mali. Kapag sumubok ako tumulong, mali pa rin. Tapos magso-sorry lang, then cycle ulit
May part din sa akin na minsan nafe-feel na relieved kapag sinasabi niyang aalis na sya at iiwan kami, pero syempre nagiguilty ako kasi alam kong malungkot siya at namatayan pa siya ng asawa.
Pakiramdam ko rin parang treated pa rin ako na bata kahit adult na ako, at sobrang nakakapagod yung emotional responsibility na napupunta sa akin.
Bukas normal na ulit kasi makakalimutan niya nangyari ngayon, pero ako dala-dala ko lahat ng mga ganitong nangyayari.
Hindi ko na alam. Nakakaguilty pero nakakawalang gana na rin.