u/GeekGoddess_

Gigil ako sa automatic translate ng Reddit!

Para tuloy lahat ng binabasa ko, conyo! Tas kailngan ko pa pindutin yung stop translating ano ba yan 😡 bat di na lang gawing optional

reddit.com
u/GeekGoddess_ — 8 days ago

Gigil ako sa Jollibee sa trabaho

So meron akong katrabaho na ubod nang pabida/pabibo. I, and a few others (seniors), were onboarded for over a year before they were, and management asked us to help supervise the newer ones if they ever needed help or had any questions.

What the seniors did: made a group chat with all the newly-onboarded people so that we can answer their questions and the others could see, para hindi paulit-ulit yung tanong.

So etong si Jollibee, pag may nagtatanong, uunahan nya kaming seniors na sumagot. Okay lang naman sa akin kung tama yung sagot nya, pero madalas tagilid. So kapag kino-correct sya, sasabihin nya, “ay di pa kasi ako natrain para dyan” na para bang… “?????? So bakit ka sumasagot?????” So kaya lagi kami dapat mapagmatyag kasi baka mali-mali na yung sinasagot sa mga tanong ng bago.

So medyo matagal na din sila. I got a message from a colleague na mainit yung ulo, kasi “hindi daw nya alam kung pano gawin yung isang task tapos pinapasa sa isa sa atin.” Wala man lang “pasuyo naman” or “please”—basta “sabi ni boss pasa ko na lang daw sa inyo” tapos wala din “salamat” pagkatapos. Galit na galit si colleague kasi Jollibee had so much time to learn how to do it, and could even learn to do it before lunch so he could make it after lunch, pero ang ginawa is pinasa lang nya.

So ayun, since mainit ulo ng kasama ko, damay kami nung iba. Mas ako syempre, kasi sa akin pinasa at ako yung gumawa 😅

reddit.com
u/GeekGoddess_ — 9 days ago

Gigil ako sa mga taong nagtatanong tapos di rin naman nakikinig sa sagot

Alam kong hindi lang ako. May mga taong magtatanong sa iyo, tapos may gusto lang silang sagot na maririnig. Or pag hindi pareho dun sa sagot na iniisip nila ipipilit nila yung gusto nila (makikipagtalo pa sa yo). Or sasabihan ka na “madaling sabihin kasi yan…”

Nakaka-putangina di ba.

Magtatanong tungkol sa isang bagay. Pwedeng sobrang babaw, like “pili ka ng color.” Tapos pag pumili ka sasabihin “ay mas gusto ko kasi tong isa” — E BAKIT KA PA NAGTANONG? E di sana nagdesisyon ka na lang??? Pinag-isip mo pa ko???

May isa pa, itatanong sa yo, “anong magandang gawing hobby?” So ikaw naman sasagot ka. Biglang sasagot ng kesyo di magagawa kasi dami syang ibang ginagawa… naghingi ka ng suggestion tapos nung binigay andami mo sinabi? Di ka na lang nagpasalamat, e di naman pinipilit na gawin mo na agad yung suggestion?

Meron pa. “Anong gagawin ko dito sa jowa ko” tapos pag sinabihang “iwan mo na yan” sasabihin kesyo madali lang sabihin pero mahirap gawin. E NATURAL??? San ka nakakita ng mas madaling gawin kesa sabihin?! Pucha naman!

Tapos yung “ah mukhang mas ok tong gawin” na suggestion mo minsan, aawayin ka pa? Na para bang tinanong mo lang ako para makipagtalo? Di mo kina-cute yan, hayop ka. Kung ayaw mo e di wag! Pake ko ba dyan, andami kong ibang sariling problema!

Bat di na lang kayo magpasalamat at binigyan kayo ng space sa utak ng ibang tao para pag-isipan yang tanong ninyo? Bakit kailangan magtanong kung ayaw din naman tanggapin yung sagot??? Pwede naman mag-thank you na lang tapos tapos na usapan di ba? Di ba kayo mahal ng magulang nyo at kailangan magdala kayo ng konsumisyon sa ibang nakakausap ninyo?

Ewan ko sa inyo!!! Gigil ako talaga!!!

reddit.com
u/GeekGoddess_ — 29 days ago