
JOB REQUIREMENTS
Fresh grad po ako and naghahanap ng work. Kakagawa ko lang po nung Feb ng acc ko para sa TIN and na-approve naman po yun agad kaya nabigyan na po ako ng TIN number. Pa-help po masagot mga questions ko po
Isa po sa requirements namin yung BIR Form 1902 para po sa mga wala pa pong TIN, paano ko po mapapasa yun if meron na po akong TIN??
Paano po makukuha yung verification slip or verification form??
Acceptable po ba yung digital TIN ID para ron sa photocopy ng TIN card?? Baka lang po kasi gusto nila yung physical ID (overthinker lang)