SKL Nakapulot ako ng pera
SKL
Few months ago, habang naglalakad kami ng teammate ko pabalik ng office galing sa lunch out, bigla na lang na may nakita ako na kulay bughaw na papel sa daanan. Kinabahan ako. Pero real nga. Pera siya. 1k bills. As in billsssss sa dami. Binilang ko siya, 9k yung nakita ko sa daan. Nakabilot pa siya sa resibo ng ATM kaya alam mo na bagong withdraw lang siya.
So naghintay muna kami ng ilang minuto kung saan ko napulot yung pera para una, maisoli na yung pera kung sakaling bumalik yung may-ari. Pangalawa, baka kasi social experiment ito. Jusko nakakahiya kapag na-post kami. Hahahaha! Pero wala talagang lumapit. So inisip na namin na dalhin yung pera sa Lost and Found ng malapit na Mall. Pero siyempre, naisip din namin, paano kung hindi maisoli sa may-ari. Odey kung mapupunta rin lang naman siya sa iba aba eh sana eh sa bulsa ko na lang sana napunta. Charot! Lol
So, ang naging konklusyon na lang namin eh puntahan yung Banko mismo kasi tiyak na kayang ma-trace ng system nila yung may-ari ng pera gamit yung resibo ng ATM. Ayaw din kasi namin mag-post sa socmeds kasi baka marami ang mag-claim. Baka ang mangyari niyan eh hephep hooray na lang tapos yung mananalo eh siyang pipiliin. Lol
So ito na nga, medyo matagal din ang naging proseso ng Bank kasi outsourced din yung ATM nila. Hanggang sa nakatanggap na ako ng text sa Bank para sabihin na nakilala na nila si account owner. Sila raw ang makikipag-usap dahil hindi nila puwede ibigay sa akin contact info ni customer, which is tama naman. Hello DPA!
Sa mismong banko na lang daw kami magkita. Nung meeting time na namin, ang dalangin ko na lang eh sana eh kamukha ni V yung may-ari. Tapos biglang maging kdrama ang kuwento. Charot! Hahahahaha.
So meeting time na. Hindi siya Korean tulad nang gusto ko mangyari. Hindi rin siya mayaman na Chinese na puwede ko justify kung sakaling hindi ko na isoli yung pera. LOL Si Kuya ay guard sa malapit na Mall. Yung 9k na napulot namin ay pang-tuition sana ng kapatid niya. Napilitan daw siya na isangla ang ATM niya nung nahulog niya yung 9k. Pinipilit niya ako tanggapin yung 1k as a pabuya. Di ko tinanggap. Kahit na sa utak ko eh sayang naman. Pang-samgyeup din yun. Hahahahaha. Sabi ko milk tea na lang kasi uhaw na uhaw na talaga ako. Lol Nag-request na rin ako ng pic sa kanya. Sabi ko post ko sa Facebook ko. Baka kasi kako isipin ng friends ko sa Facebook eh tinangay ko na ang pera. Hahahaha! Pumayag naman siya. Sabi ni Kuya eh anghel daw ako. Sabi ko naman, yun ang di siya sure! LOL