r/ShareKoLang

SKL kaya pala magreresign na kasambahay namin

Matagal na namin kasambahay si ate myla, mga 6 years na rin. Stay out siya so di rin kami ganun ka updated sa buhay niya unless magkwento siya. This past year, napaparami yung times na umaabsent siya. Wala naman samin yun since kaya pa naman mga gawain sa bahay.

Until recently, yung kasambahay ng kapitbahay namin chinika ma may bf nang afam si ate myla na nameet online. Pupuntahan na nga raw dito sa pilipinas next month para bisitahin.

That’s when everything clicked haha. Kaya pala naka iphone na si ate myla tapos di na pumapasok at nagpaalam na magreresign na siya. Sabi nga ng kasambahay ng kapitbahay namin, baka raw isama na rin si ate myla sa ibang basa nung afam niya.

Mukhang mauunahan pa ko makapag ibang bansa ni ate myla. Isang kababayan na naman natin ang maliligtas sa super el nino

reddit.com
u/Interesting_Ebb_7222 — 4 days ago

SKL: Be My Eyes app(for blind or low vision who need assistance)

​

Kakadownload ko lang ng app kahapon, and today nakareceive ako ng call.

Tinanong nya magkano yung cash na hawak nya.

Sobrang ikli lang ng video call.

I'm happy na sa ganitong small act, I can help.

I highly recommend downloading the app.

Para mas marami ang pool of volunteers nila.

Maraming language available.

reddit.com
u/Tasty_Cow_4167 — 4 days ago

Skl legit pala ‘yong mga ka-batch mo nagpapakasal at nag iibang bansa na tapos

ikaw nag dadalawang isip pa kung kaya mag siomai rice HAHAHAHA

Kala ko nag jjoke lang mga millenials kapag nagsasabi sila ng mga ganyan HAHAHAHA legit ang mid life crisis. Nakakainggit pala talaga kasi. Sa buhay nila andami na nagbago tapos sakin ni hindi manlang naka-usad, nagmahal pa siomai house kainis.

reddit.com
u/TrashFuzzy4184 — 4 days ago

SKL: Nasa CR ako ng lalaki kanina, may lalaking kumakausap saakin (mommy ako), and it wasn't awkward at all.

Nasa CR ako ng lalaki kanina kasi ang galing ng anak nko, dalawang beses tumae. Hindi pa siya marunong mag hugas ng sarinling puwit so I had to be there. May mga batang lalaki don, okay, no problem.

Biglang pumasok yung isang random na tatay para sa anak niyang toddler din. So in short, nasa magkahiwalay na cubicle yung mga anak namin while umihi siya don sa toilet sa wall. Habang ako, naghahanap ng sabon kasi nga humawak ako ng tissue na may tae.

Beh. Kinakausap ako nung tatay habang umiihi siya. Wala daw siyang sabon, wipes daw ba, kailanga ko? Yes, kalagitnaan ng pag ihi niya.

And you know what... It wasn't awkward.

Wala lang. Amazing lang kasi pag parent ka na pala, hindi ka na naooffend sa ganong bagay. Wala ng bastos. Dalawang parents lang kami na naiintindihan na napakahassle magpatae ng bata sa mall.

reddit.com
u/Substantial-Chard984 — 12 days ago

SKL/ Pinapapak ko Nescafe stick classic

Di ko na tinitimpla. Rekta papak na agad ng Nescafe stick. Yung black HAHAHA nilalagay ko sya sa ilalim ng dila ko then sabay inom ng tubig. Gising na ko non throughout. Ito yung trick na pantamad HAHAHAHHA sa tyan ko na lang tinitimpla kape ko. Immune na rin ako sa pait since kapag totoo naman na nagtitimpla ako, di na ko nagsusugar. Less ihiin and less hassle WHAHAH 😭Wala lang, skl 😀

reddit.com
u/Round_Cat_1234 — 12 days ago